Chapter Twelve

20.3K 288 3
                                    

CHAPTER TWELVE

Inilihim namin sa friends namin sa university ang aming relasyon. Ilang araw na lang ay debut ko na. Naipamigay ko na rin sa mga classmtes ko ang invitations. Excited sila nang matanggap ito. Laking gulat nila na ang sikat na team captain ng soccer ang magiging escort ko. Wala akong binabanggit tungkol kay Josh kahit na sa bestfriend kong si Rachel. Ang alam niya ay family friend lang namin siya.

" Annette!" tawag ni Rachel, ang BFF ko.

 "Ano ba? Bakit ka sumisigaw?" naiinis kong tanong sa kanya.

Nasa campus kami at maraming estudyanteng nasa paligid.

"Nabalitaan mo na ba?"

"Ang alin?"

"Nandito si Reizen Reyes!"

Hindi ako makapaniwala sa ibinalita niya. Para akong natuklaw ng ahas. Natulala ako sa pagkabigla.

"Nandito na siya!" tili ng mga schoolmates namin.

Napalingon ako sa may entrance ng gate kung saan nagtakbuhan ang lahat ng kababaihan.

"Annette! Halika na," sabay hila ni Rachel sa kanang kamay ko.

Tumakbo kami papunta sa gate.

"Reizen! Ang gwapo-gwapo mo! Be mine, Reizen!" narinig kong sigaw ng isang babae.

"Annette!" 

"Guard! May hinimatay dito!" narinig kong sigaw ng babaeng katabi ko, pero parang pahina na nang pahina ang pandinig ko.

Naramdaman ko na may humahaplos sa noo ko. Pagmulat ng mata ko ay si Josh ang nasa harapan ko. Hawak-hawak niya ang isa kong kamay at hinahalik-halikan.

“Josh…”

“Annette, wag kang magsalita baka makasama sa yo.”

“Bakit? Anong nangyari?”

“Ssshhh… Wag nang makulit,” saway niya. “Magpahinga ka na muna. Okay?”

Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang haplos niya sa aking noo at kamay. 

“I love you, Annette!”

Bigla akong napamulat. Nabigla ako dahil malapit na malapit ang mukha niya sa mukha ko. 

“I-I love you too, Josh!”

Tok! Tok! Tok!

Istorbo naman o! Sino naman kaya itong pampasira ng moment? Masasabunutan ko.

Biglang bumukas ang pinto. 

“Miss Escalante, okay ka na ba?” tanong ng school nurse.

“O-okay na…”

“No, she’s not okay, Miss. I think she needs rest. Can I take her home now?” 

“Ah, Mr. Reyes…”

“Please, Miss,” pakiusap ni Josh.

“Okay. Take care of her,” sagot ng nurse.

“Come on, Annette. Let’s go. Bubuhatin na kita.”

“No! Kaya kong maglakad. Nakakahiya. Maraming students sa labas. Pagtsismisan pa tayo,” pangangatwiran ko.

Bigla siyang nalungkot. Ewan ko pero parang nasaktan siya sa sinabi ko. Kaya inalalayan na lang niya akong tumayo at saka ako lumakad palabas ng pinto.

“Annette!” sigaw ng BFF ko paglabas ko ng infirmary.

Hinawakan niya agad ang kamay ko at sinalat ang noo ko.

“Okay ka na ba?” nag-aalala niyang tanong.

“Okay na ako, Rachel. Salamat sa concern.”

“Ikaw kasi e, nagpalipas ka naman ng gutom, ano? Ang tigas talaga ng ulo mo! Bawal mag-diet kahit malapit na debut mo, Friend,” paalala niya.

Napatingin lang ako sa kanya. 

“Ehem!” Si Josh.

Saka ko lang naalala na kasunod ko pala si Josh.

“A, Reizen nandyan ka pala,” bati ni Rachel.

 Josh  Reizen Reyes ang full name ni Josh. Yong second name niya ang tawag sa kanya.

“I think Annette needs rest. Ihahatid ko na siya,” sabi ni Josh.

Tila natulala pa ang kaibigan ko habang nagsasalita si Josh. 

“A, sure sige. Ingat kayo. Pagaling ka ha, Annette,” sabay yakap sa akin.

Tumango lang ako sa kanya. Inalalayan na ako ni Josh papuntang parking lot. Dala ni Josh ang car niya. Pagkasakay sa car niya ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang mga mata ng mga babaeng kanina pa titig na titig sa aming dalawa.

“Don’t mind them, Annette,” sabay hawak sa pisngi ko.

Pinaandar niya na ang kotse niya at naramdaman ko agad ang pamimigat ng mga mata ko.

   

Ang Boyfriend Kong Genius (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon