Chapter Four

22.9K 327 6
                                    

CHAPTER FOUR

May tumigil na sasakyan sa garage. Agad akong tumakbo palabas.

Si Mommy. Sinundo nga pala siya ni Mang Eddie.

"Mommy! You're back. I missed you," sabi ko, sabay yakap kay Mommy.

"I missed you too, Princess. Still beautiful and sexy just like me?" sabi ni Mommy. "May pasalubong ako sa yo. You'll surely like it."

"Talaga Mommy? Ano yon?" natutuwa kong sabi.

"Mang Eddie, pakilabas yong malaking box," utos ni Mommy. "Let's go inside, Annette."

Tumuloy kami sa sala.

"Ma'am, eto na po yong box," sabi ni  Mang Eddie, sabay abot noon kay Mommy.

"Salamat,  Mang Eddie. Pakisabi po kay Nancy, ipasok na lahat ng bagahe sa kwarto."

Excited na ako noong makita ang laman ng box.

"This is for you, Princess."

Agad kong binuksan ang box. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Ang pinapangarap kong damit noong bata pa ako na gustung-gusto kong isuot sa debut ko ang nasa box. 

"Thanks, Mom!" mangiyak-ngiyak kong sabi, sabay yakap kay Mommy.

"You're welcome, Princess!"

Ang Boyfriend Kong Genius (Complete)Where stories live. Discover now