Her mouth curved into a smile while fixing the curls of my hair. Bumuga siya ng hangin at muli akong nginitian.

"Huwag kang magalala. Sakto lang ang ayos mo. Mas pinalitaw ko lang ang ganda mo, bunso." papuri niya. "Sinagot mo na ba si Russell? Magiisang buwan na rin simula ng ligawan ka niya."

Kung ang pagbabasehan ko ay ang totoong panliligaw niya, kulang dalawang linggo pa lang. Pero dahil hindi nila alam ang kalokohan namin ni Russell at wala na rin naman akong balak pa sabihin dahil tinotoo na rin naman namin, sasang ayon na lang ako.

"Oo, ate. Malapit ko na siya sagutin. Ikaw ang una kong sasabihan kapag nangyari iyon."

Tumango tango siya sa akin. "Sasagutin mo na... ibig sabihin... may feelings ka na para sa kanya?"

"Siyempre naman. Kaya nga sasagutin ko na, e."

"Ang ibig kong sabihin, mahal mo na?"

Matagal na, ate. Hindi pa man siya seryosong nanliligaw sa akin ay alam kong nahulog na ako sa kanya. Alam kong may pagmamahal na akong nararamdaman para sa kanya.

I shrugged my shoulders and smiled at her.

"Ewan,"

Humalakhak siya at hindi na sumagot. She just shook her head as if she already understand the meaning behind my senseless answer.

Pagkatapos akong maayusan ni ate ay kinuha ko na ang hand bag ko at naglakad na palabas ng pinto. My heart is bouncing wildly as I walk to the living room for some unknown reason. Siguro ay kinakabahan lang akong humarap kay Russell sa ganitong ayos ko.

I know he already saw me wearing formal dress way back Marga's wedding. Hindi na bago sa kanya ang makita akong ganito. Pero iba naman kasi ngayon dahil may namamagitan na sa amin. I mean he's already pursuing me to be his girlfriend. Nakakaramdam na ako ng hiya.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa sala ay natanaw ko na ang imahe ni Russell na nakaupo habang kausap si tatay sa kanyang tabi. Naguusap sila at parehas may ngiti sa mga labi na para bang may masayang pinaguusapan.

The dragonflies in my stomach soared high when Russell turned his head on my direction. Nakaramdam ako ng kiliti nang magtama ang aming mga mata.

His hawklike eyes slowly scanned my face down my body. A ghost of smirk played in his lips and that made me gulp. Pakiramdam ko ay natuyuan ako bigla ng laway.

Para saan ang ngising iyon? Nagustuhan niya ba ang ayos ko ngayon? O, kulang pa at hindi pasado sa panglasa niya?

Bumalik na sa aking mukha ang kanyang paningin. He grabbed a bouquet of red roses and stood up from his seat. Pigil akong ngumiti. Hindi ko man lang napansin ang bulaklak na 'yon. I was just too focused on this captivating man in front of me.

Paanong hindi? Ang gwapo-gwapo niya sa suot niyang kulay asul na polo na nakatupi ang mahabang manggas hanggang siko. Nakatuck in ito sa loob ng kanyang puting slacks na hapit na hapit sa kanyang mahahaba at matikas na hita at binti. His hair was fixed in a neat way that made him look so ravishing.

Humakbang siya papalapit sa akin. Hindi ko na nakayanan pang pigilan ang ngiti ko kaya't hinayaan ko na itong gumuhit sa aking labi. He inched closer to me and his fresh scent immediately filled my nostrils. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga kaya naman mabilis na nagsitayuan ang balahibo sa aking batok.

"You look wonderful, Sandra." Russell whispered that sent shiver down my spine.

Lumagpas ang mga mata ko sa balikat niya at nakita ko ang nakangiting mukha ni tatay habang nakatingin sa akin. He raised his thumb up and that earned a chuckle from me.

Epitome Of PerfectionWhere stories live. Discover now