Chapter Six

40 7 37
                                    

Chapter Six

“DAEBAK! JINJA??” Malakas na sigaw ni Henry nang marining ang balitang sa kamay ni Theo ipinagkatiwala ni Ayven ang paggamot sa natamo nitong sugat. Kababalik pa lamang nila mula sa pagde-deactivate ng mga bomba na nauna na nilang naitanim sa paligid ng lugar. “Sabagay, magaling naman iyang si Theo, medyo sablay lang kung minsan.”

“Sana lang hindi kasama sa minsan na 'yan ang mga panahon na ganito,” seryosong bulong ni Chase habang nakasandal sa pader. Hindi man nito sabihin, bakas sa mukha nito ang nerbyos habang nakatingin sa kamay niyang may bahid pa ng dugo ni Ayven.

“Mabuti na lang at napansin kaagad ni Cole na may sugat siya. Kung hindi, baka nauna pa siyang maubusan ng dugo bago pa natin makuha ang pakay natin dito.” Umiiling namang tugon ni Owen habang nakasapo sa kanyang noo.

“Why is he always like that?” tanong ni Thomas sa mga nakatatandang miyembro ng grupo.

“Kaya nga, para namang wala siyang tiwala sa atin, e,” nakangusong reklamo ni David.

“Don't say that. You should know him well by now. Hindi si Ayven ang tipo ng tao na ipapaisip pa sa iba ang mga problema niya.” Paliwanag ni Asher na siyang pinakamatagal nang nakakakilala kay Ayven.

Likas na kasi sa binata ang maglihim sa kanila pagdating sa ganitong mga bagay. Hangga't maaari, ayaw nitong dumagdag sa iniisip ng mga kagrupo o maging pabigat sa mga ito.

“Kahit na. Sana naman sinabi niya sa atin yung sitwasyon niya,” nakangusong bulong ni Julian habang nakatanaw sa pintuan.

“He'll be fine, right?” Cole asked worriedly.

“Oo naman. Si Ayven pa ba?” sagot naman ni Luke at inakbayan pa ang kanilang bunso. “Let's not worry about it. Magtiwala din tayo kay Theo.”

“E, bakit kasi ang tagal nila?” Nagmamartsang tanong ni Chase.

“Chase, pumirmis ka nga. Please lang. Nahihilo ako sayo, e.” ani Owen at hinila pa paupo si Chase. Inabutan pa niya ito ng wet wipes para mapunasan na ang kamay nito. Maarte lang naman kasi itong si Chase, pero pagdating sa mga kagrupo lalo na kay Ayven, nawawala ang taglang nitong kaartehan.

“Pasukin na kaya natin?” suhestiyon ni Ashton at akmang tatayo subalit kaaagad siyang pinigilan ni Asher.

“Bilin ni Ayven, dito lang tayo sa labas,” anito bago muling bumalik sa pagtipa sa kanyang laptop. “The Auction will start in ten minutes. Anong plano?”

Sabay sabay na napatingin ang lahat kay Chase ngunit kasalukuyan itong nakayuko kaya't si Owen naman ang kanilang binalingan. Bilang nakatatanda, silang dalawa ang inaasahan ng grupo sa mga pagkakataon na wala si Ayven.

Nagpakawala ng buntong-hininga si Owen bago magbigay ng task sa bawat isa.

“Mas mainam siguro kung mauna na ang ilan sa atin. Henry, isama mo sina Grayson, Luke at Cole. Let's do this as we planned. Except with the bombing, okay? Pumunta na kayo sa baba, alamin niyo kung anong oras magbubukas ang bidding para sa Collier Bleu. Dapat nakabalik na si Ayven sa bago ipasok ang target item natin. David and Julian, puntahan niyo si Chairman, make sure that he'll never know what happened to Ayven. Asher, stay here and keep us updated. Nakuha niyo?”

“Affirmative!” they answered in unison.

“Chase, I think you should stay here. I'll secure the area. Hindi natin alam kung saan nanggaling si Ayven, baka may mga sumusunod pa rin sa kanya.”

“No. Gusto mo bang patayin ako ni Ayven?” anito bago tumayo. “I'll go with you.”

He's right. Sa oras na malaman ni Ayven na tumunganga lang siya rito at hiyaan ang iba na kumilos, paniguradong malilintikan siya sa kanilang leader.

The King's Greatest Downfall [ON-HOLD]Where stories live. Discover now