Capítulo Once - Hers

Start from the beginning
                                    

"Di ko alam dyan ayaw sabihin. Takot naman din yan eh kaya magaaya rin yan." Edi wow sya na hindi takot

Nagsalita ang hindi takot kay mommy

Iniikot ikot ko lang yung ginawa nyang cocktail tsaka uminom muli. Di ko pa nasusubukan uminom ng mga ganito. Pero nung pinatikman nya, nagustuhan ko yung lasa. Kahit may after taste pero nangingibabaw pa rin yung sweetness nitong ginawa nya.

"Di mo ba nagustuhan?" May pag-alala sa mukha nya.

"Masarap. Ngayon ko lang 'to natikman. Di naman ako naggaganito before. Pero masaap promise!" Tinaas ko pa yung kanang kamay ko para maniwala sya.

Nakita ko namang ngumiti sya bago makayuko. Di ko alam kung may tinitignan ba sya sa ilalim ng bar counter o ano.

"12." Bigla kong sabi.

"12?"

"Hanggang 12 daw ako pwede."

Nagtayuan naman yung dalawa kong kasama at nagslow clap.

"Masayang masaya ko para sayo baby girl!"

"Pakisampal nga ako be? Nananaginip yata ako"

Akmang sasampalin ko na sana ng pagkalakas pero umilag na sya agad.

"Okay na pala totoo pala 'to. Beks"

"What? Why?" Gulong gulo naman yung gwapong nilalang na nasa harapan namin ngayon habang yakap yakap ako nitong dalawa.

"Nakakahiya kayo. Umayos nga kayo." Sabi ko at inilalayo sila sa akin.

"Di naman 'to pinapayagan kapag 12 eh. Madalas 11 lang ganun."

"Ah okayy?"

"Di ka ba nila hahanapin? Nila Vhong?"

"Di yun. Hahanapin ako nun mga 1 or 2. Minsanan lang naman kami uminom nun, kapag naman uminom sobra! Walang mapaglagyan ng kalasingan." Kwento nya na natatawa. Na parang inaalala nya yung mga nangyayari dati sa kanila.

Well sana ganun sya palagi. Ang gaan sa loob kapag nakakakita ng taong masaya kahit sa simpleng bagay.

"Uy JM! Ano name nung bartender mo na yon?"

Turo ni Melvie sa kasama ni Chris nung nakaraan. Nung isang gabi.

"Ah iyon? Bago lang yan. Kung hindi ako nagkakamali Greg ang pangalan. Type mo ba? Di ko alam kung single yan eh."

Puti rin ni kuya eh. Gwapo rin! Kaso parang hawig sila nung ex ko. Hanggang dito ba naman susundan ako ng ganung pagmumukha?

Napapunas naman sya ng mukha dahil kanina pa namin sya tinitignan.

"Tinanong lang pangalan type agad!? Di ba pwedeng crush muna?"

"Ay sus, itatanong mo ba pangalan kung di mo type?" Ginatungan naman ni Madc si JM.

"May boyfriend na ko no! Duh!" Pero nakatitig pa rin dun sa lalaki.

"Ay may kahawig sya pag side view!" Medyo napalakas yung sabi ni Melvie kaya naman may ilang napalingon sa amin.

"Ingay mo!" Talak ni Madc sakanya.

Sa aming tatlo sya yung tipong tagapagbantay samin ganon. Sya yung palaging nagagalit kapag may kagagahan kaming lahat.

"Sorry!" Nagpeace sign pa si Melvie.

Nakita ko naman na nakatingin pa rin si JM sa bartender nya.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now