Capítulo Ocho - Real Quick

Start from the beginning
                                    

"Hindi. Rule of Thirds oo."
Bahagya naman akong natawa sa sagot nya

"Sira ulo ka talaga."


"Di ako naniniwala. Kung nakamove on ka naman na agad sa loob ng 2 or 3 weeks, 2 months pipigilan mo ba sarili mo? What if doon ka naman pala talaga sasaya? Pano kung sya na pala tapos dahil sa 3 month rule kuno na yan baka mawala pa." Bigla naman syang nag-seryoso.


"Time is Gold." Dagdag pa nya. Natawa naman kami parehas doon.

"Pero naniniwala ako sa pagbibigay ng time sa sarili tsaka respeto sa kapwa."


"Naks naman! San galing yan? Anong movie napanood mo?" Tanong ko sakanya. Namaligno yata yung kaibigan ko kaya ganto lumalabas sa bibig.


"Kaya siguro may mga timer dahil di rin sila naniniwala. Pero mga gago lang yung mga yun, walang respeto sa kapwa." Di nya naman pinansin yung pangaalaska ko.

Naisip ko lang kasi si Jaki bigla.

"Teka. Bat mo ba natanong? May liligawan ka na ba ulit? Kakabreak lang? Kasi yung sa part mo di naman naging kayo." Walang pakundangan nyang tanong.

"Wala. Nacurious lang ako."


Hindi ko naman itinatanggi sa sarili ko na si Jaki talaga yung una kong naisip bago ko itanong iyon.

Pero ang daming gumugulo sa isip ko.

"Hoy bukas ha? Sa bar." Paalala ko naman sa kanya.

"Ako bahala. Hindi ka kawawa." Tumango pa ito sa akin. Para sa pagbibigay ng assurance. Assurance na mapanghahawakan talaga. Di tulad ng iba.

Hahahaha sounds bitter self.

Lumabas na ko sa opisina ni Vhong.

Naabutan ko naman yung mga empleyado namin sa kanya kanya nilang station.

"Guys. See you tomorrow! Lahat ba kayo sasama?" Tanong ko naman sa kanila.

Ang ilan ay hindi sasama.

"Ikaw? Sama ka ha?" Pag-aaya ko sa nakausap ko last time yung kabado.


Pero this time ay kalmado na siya.


Umuwi na ko para makapagpahinga.


Dapat ko ba sila sunduin para bukas? Nag-iisip naman ako habang nagdadrive.

Sa pag-iisip ko ay napakadaming pumapasok.

Ito yung ayaw ko sa sarili ko nagkakasabay sabay lahat ng iniisip ko kapag di ako focused.

Kaya ako naaksidente dati. Dahil rin doon.

Umiiyak ako noon dahil sa nangyari noon. Gabing gabi na nun. Sobrang galit? Lungkot? Sakit? Halo halong emosyon yun nang may nagflash sa screen ng phone ko. Tumatawag kapatid ko. Pagtingin ko naman muli sa kalsada ay biglang huminto yung nasa harapan ko at nag-over take ako kaso may kasalubong pala akong matulin rin na sasakyan. Sobrang nag-alala sa akin yung pamilya ko. Ilang araw akong walang malay. Nagising akong may head injury. May neck brace at sugat sa katawan.

Akala ko katapusan ko na noon.

Mabuti nalang hindi pa.
Hindi ako nag-patagal sa ospital dahil ayaw ko doon.
Ilang months din akong hindi nagdrive noon dahil ayaw ng family ko. Nakakaramdam din ako ng sakit sa leeg ko noon at sa ulo kaya bumabalik balik kami sa ospital.

Doon namin nalaman na may whiplash pala akong injury.

Di ko alam kung paano makarecover noon. Gusto ko kasi talaga magdrive ulit. Hindi naman ako pinabayaan ng family ko kaya't nag-sasalitan sila sa pag balik at pag-uwi sa America. Kahit sinasabi ko noon na kaya ko naman na.

Ayaw ko lang na maistorbo ko pa sila dahil may iba rin naman silang bagay na iniisip.

Nakauwi naman ako ng matiwasay. Dahil nawala sa isip ko yung gumugulo talaga sa utak ko. Yung feelings ko. Yung feelings ko na hindi naman sigurado. Masyadong maaga. Masyadong mabilis.

Binalewala ko nalang iyon.

Nang makauwi ako ay naisipan ko itext si Madc. Wala kasi akong number pala ni Jaki.

"Hi Madc, 'wag kayo mawawala bukas ha?"

Text ko sakanya.

Tinext ko naman si Toper. Pinareserve ko yung VIP room para doon sila Vhong tsaka ipapakilala ko rin sila Madc.


Nakita ko naman sa itaas ng screen na nagreply si Madc.

"Kung gusto mo, kahit umaga palang, andoon na kami!😂"

May saltik talaga yung babaeng 'yon. Hahaha
Bigla ko naman naalala si Bullet. Saan nya iiwan yun.

"Paano si Bullet pala?"

"Inuwi ko muna sa lola nya. Dun naman sya talaga kapag weekdays, pinasyal ko lang."

"Ahh, sige. See you tomorrow. Sunduin ko na kayo ha?"

"Nako wag na. May dadaanan pa kami ni Jaki."


Hindi ko naman na sya pinilit.


After nun ay natulog na ko.


******

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now