𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙢𝙚𝙙𝙮𝙤, 𝘪𝘬𝘢𝘱𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯

281 33 9
                                    

__________________________________________________

INTERMEDYO :HIMLAYAN NG MGA AGAM-AGAMᜑᜒᜋ᜔ᜎᜌᜈ᜔   ᜅ᜔   ᜋ᜔ᜄ   ᜀᜄᜋ᜔-ᜀᜄᜋ᜔▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊ ‧̍̊     ҉   °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥  ☽   ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

INTERMEDYO :
HIMLAYAN NG MGA AGAM-AGAM
ᜑᜒᜋ᜔ᜎᜌᜈ᜔   ᜅ᜔   ᜋ᜔ᜄ   ᜀᜄᜋ᜔-ᜀᜄᜋ᜔
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊ ‧̍̊     ҉   °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥  ☽   ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊




PATULOY lamang ang pagbasa ko patungkol sa minsan-sa-isang-buhay na kaganapan: Super Blue Blood Moon.





METRO MANILA  — There is so much hype and excitement over the so-called "super blue blood moon" happening this January 30.

So what is it all about?

This is actually composed of three, rare lunar phenomena occurring in one night — they are the supermoon, blue moon, and blood moon.*



Bale, may isang araw pa ako para masilayan iyon.

Isinara ko ang aking laptop at saka ito itinabi. Sunod ko namang kinuha ang journal at ang liham na natanggap ko kanina lamang.

Oo, kahit sinunog ko na mga kagamitan ko sa arte, kahit papaano, sininop ko ang talaarawan na ito. Galing ito sa aking ina, regalo niya noong kaarawan ko noong ika-dalawampu't tatlong araw ng Enero. Pampitong araw na rin noong nagsimula akong magtala ng mga gawain ko rito . . . At mukhang magtatagal pa ang pagsusulat ko, kahit alam ko na magsasawa rin ako sa huli.

Pagkakuha ko ng aking panulat . . . Hindi ko alam kung paano ko ito uumpisan.

Ganoon na talaga simula pa sa unang pahina nitong blankong libro. Masyado akong okyupado sa isip at hindi ko alam kung paano ito ioorganisa.

Tinitigan ko ang papel nang masinsinan, walang partikular na salitang namumutawi.




Hingang malalim.

At ramdam ko ngayon, para akong isang tanga . . .

Parang unti-unti nabibilasâ ang rasyonalidad ko . . .

Parang may malalim na butas sa aking utak . . .



Hindi bale na lamang. Umpisahan ko na lang sa isang simpleng:

hello, kumusta ka?

Natawa na lang ako, saka pinagpatuloy.












╔═══. ■ .═══════════════════════╗

29th January, 2018 — 11:12 pm

hello, kumusta ka?

        katulad pa rin ba ng kahapon ang araw mo ngayon? ayos ka lang ba? pilit mo pa rin ba'ng naghahanap ng kahulugan? ipinapanalangin ko na mahanap mo nga.

      patuloy pa rin akong naninigyawat, pero ayos lang iyan; sa aking paningin, para silang kumpol ng mga bituing bumababa galing sa langit.

       ngayon, nakatanggap din ako ng isang liham. hindi ko alam kung kanino nanggaling, pero parang pinayagan ng tadhana (kung may tadhana nga) na mapasaakin ito, lalo na't bukas ng gabi ay may kamanghang-manghang palabas ang kalawakan.

        hindi ko man maipahayag nang eksakto, pero masaya ako at buhay ako ngayon para makatanggap ng isang liham at malaman na may penomenang eclipse mangyayari.

       baka . . . baka lang . . .

       pipiliin ko munang mabuhay kahit kaunti pa.

╚═══════════════════════. ■ .═══╝






Nagkibit-balikat na lang ako nang matapos ko. Wala na akong alam sabihin; ang mga agam-agam ko ay kaparehas lang ng kahapon . . . O hindi rin. Kahit papaano.

Inilipat ko ang mga pahina ng aking talaarawan at pumunta sa pinaka-unang nilalaman nito.











▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

— handthe;rend —

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

— handthe;rend —

__________________________________________________















𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯

━━━━ 𝐋𝐈𝐊𝐇𝐀 𝐀𝐓 𝐇𝐈𝐑𝐀𝐘𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon