First defeat

158 9 1
                                    

June 12, 2017

( MONDAY )

-Dar Marcos

First day of school and as expected wala pang mga prof. 

at dahil wala pa namang klase sa unang araw, naisipan ko nalang tumambay sa silid aklatan ng paaralan para dito magpalipas ng oras.

Buong bakasyon akong nakamokmok sa loob ng aking kwarto. Binabad ko ang sarili sa pag babasa ng mga libro at pagnunuod ng mga documentaries sa loob ng tatlong buwan.

 Akalain mo yun? hindi po ako nerd or whatever chuchu, mahilig lang talaga akong magbasa ng mga libro, specially books na related sa politics and social issues. Pero bihira lang akong mag aral, magkaiba yun eh, yung nagbabasa sa nag aaral. 

Nag aaral ako sa isang pribadong unibersidad. Third year college sa kursong Political Science. 

Bakit ito ang kinuha ko? Wala lang. I just love the idea politics, I just love how the game of politics are played. Alam kong sobrang komplikado pero ito ang gusto ko. Mas magulo, mas masaya. Diba? Ewan, siguro na din sa rason na exposed na ako sa politika simula pagka bata dahil sangkot na sa politika ang pamilya ko simula pa noon; Kahit ayaw kong aminin dahil hindi ako pabor dito pero kabilang ang pamilya ko sa matatawag nyong political dynasties dito sa pilipinas.

 I'm not active on school activities nor entering some campus organizations like Student council. but I already represent the school for It's kind of ironic lang because my family are politicians and i love politics that much, so ano yun? It just that I don't want to waste my precious time on things that does not really matter diba? mas exciting pag laroan ang bigger political arena, yung pang municipal or provincial level and that's already a huge advantage for me kasi may pangalan at apelyido ako, alam mo yun hahaha

The Prince by Niccolo Machiavelli, isa sa pinaka paborito kong libro na sulat ng isa sa pinaka paborito kong personalidad sa kasaysayan ng politika; naka upo lang ako sa pinaka paborito kong pwesto sa dulo ng subject reference area ng kurso namin.

Di pa gaanong karamihan ang tao sa library, hiwa hiwalay ang pwesto ng mga studanteng tumatambay sa loob ng silid aklatan. Malaking espansyo ang pagitan ng inuupoan ng mga estudante, kaya mas maaapreciate mo yung lawak at ganda ng silid.

"What can you learn from Machiavelli's The Prince?" biglaang tanong ng isang babaeng umupo sa gilid ng pwesto ko, hindi ko nga napansin na lumapit sya sa pwesto kaya nabigla din ako

Bahagya akong napatingin sa mukha nya upang makilala ang babae at sa pag lingon na yun ay nasilayan ko ang hindi pamilyar nyang itsura...

ang ganda nya!

Ngayong ko lang nasilayan ang maganda at maamo nyang mukha, is she a transferee or what? She's so perfect, pasok yung mukha nya sa qualifications ko.

Ilang segundo din akong di nakapag salita at nakakatulala sa mukha nya

"Why are you still reading that book which was written 500 years ago??" napangiti ang mga labi ko sa muli nyang tanong.

For the first time of my life, a girl ask me about politics huhuhu karamihan kasi ng mga nakakausap ko sa mga bagay na yun ay ang pamilya ko at ang mga fellow polsci pips which the majority are composed by men hahaha we believe in patriachal society and it fits us really bad... but now.. now is an special one.

Binalik ko ang mata ko sa libro na binabasa ng natagpuan ko na ang awkward na ng tingin ko... shit happened, di ako yung tipo ng tao na pala ngiti or approachable huhu madalas nga akong mapag kamalang suplado kasi di daw ako namamansin o palaging tahimik. Well, why do i have to settle myself for less important people, diba? Hindi ko kilala ang babaeng to dahil ngayon ko lang sya nakita. Normally, I don't give any attention to strangers because if hindi ko sila kilala means they're not importrant, they're irrelevant, they're less. That's the general rule; never settle for less but yes, I have to admit that i have to exclude this one, there's always an excemption to the general rule and for me she's an exception. I don't consider her as less of a person. In fact, I had the feeling na she's something more valuable

Coffee, please?Where stories live. Discover now