Capítulo Cinco - Hatid, sundo

Start from the beginning
                                    

Binili ko yun noong nagsisimula palang gumaan yung buhay ko. Noong nag-aaral palang ako. Nasa isang mall ako noon. Napansin ko yung singsing dahil kamukha nya ng design ang bigay sa akin ng tatay ko na bracelet. Kaya kahit may kamahalan 'yon ay binili ko pa rin.


Bakit kasi pinahiram ko sakanya 'yun.
Natawa nalang ako sa pagsisisi ko.

"Oh ayan na pala si Kuya Vice e. Tara na Lalaine at kumain." Tawag nanaman nya ako sa palayaw na iyon.



"JM." Pagtatama ko sa tawag nya sa akin. Pero pilit na ngumiti pa rin.


"Kuya JM na ang itawag nyo sa akin."



"Sorna." Pabebeng sabi naman ng kasambahay ko.



Imbis na mainis ay natawa nalang kami sa pagmumukha nya nagdasal at kumain na rin kami.


Matapos maghapunan ay nagsimula na ulit ako mag-isip ng ideas para sa trabaho. Innovative designs etc. Pwumesto ulit ako sa may balcony. Dito kasi ako madalas nakakapagisip. Natatanaw ko ang mga ilaw ng mga bahay at mga sasakyan. Naririnig ang ilang tunog mula sa kalsada. At nararamdaman ko ang haplos ng hangin sa aking mga balat.



Makaraan ang ilang oras ay hindi pa rin ako inaantok. Pero pagod na ko sa kakaisip ng designs.



Kung SMDC o si Henry Sy ang client na ginagawan ko ay magagamay ko na at malilimitahan na ko sa pagdesign dahil alam naman ng mga taong nasa ganitong industriya na nagtitipid sila. Hindi lang halata. Magdedesign ka pero mauuwi lang rin sa sobrang value engineering.


Napailing naman ako nang maisip ko iyon. May ilan pa kong natitirang work loads. Siguro ay matatapos ko naman ito sa darating na Byernes.


Nagpahinga ako sandali at nagshower.



"Matagal tagal ka pa aantukin Tutoy." Sambit ko habang nakayuko at dinadama ang bawat patak ng malamig na tubig na nagmumula sa shower head.

Umalis ako ng bahay dala ang sasakyan ko. Nandito ako ngayon sa bar. Sa entablado. Kakanta, tutugyog, maggigitara. Lingid sa kaalaman ng mga tao na ako ang may ari nito. Ganito minsan ang ginagawa ko. Pampalipas oras sa gabi.

Nagsimula na ko magstrum ng gitara. At tumingin sa mga tao dito. Ang iba ay nanonood. Ang iba ay nakikinig. At ang iba naman ay nagkukwentuhan.

"Ikaw at ako.." napalunok ako nang bigla itong kanta ang napili ko. Hindi ko sinasadya pero itutuloy ko nalang.

"Pinagtagpo.." patuloy ko at nagstrum muli.

"Nagkasundong magsama habang..buhay"

"Nagsumpaan.. sa Maykapal" Pakiramdam ko ay magsisisi ako na nakanta ko ito.

"Walang iwanan, tag-init o tag-ulan.." pinipigilan ko maluha sa sariling pagkanta.

"Haharapin bawat unos na mag-daan" bawat liriko ay pinaparamdam nito yung kalungkutan na nararamdaman ko ngayon.

"Sana’y di magmaliw ang pagtingin.
Kaydaling sabihin , kayhirap gawin
Sa mundong walang katiyakan
Sabay natin gawing kahapon ang bukas.."

Hindi ko tinapos ang kanta.

Ngayon ko lang napansin na nabalot ng sandaling katahimikan ang bar kasunod naman nito ang palakpakan.

Ngumiti ako ng may lungkot sa akin mata.

Nalulungkot ako ngayon, nararamdaman kong mag-isa ako ngayon. Malayo sa pamilya. Oo may mga kaibigan ako pero ito yung nararamdaman ko ngayon.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now