Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!

Start from the beginning
                                    

"Ha? Okay na ko sa tubig." Kontra ko naman at naupo sa set nila. Simple lamang ang sala nila. Pero maaliwalas. Nakakatuwa. Ang fresh nyang tignan. Light green din ang pader nila. Nakakamiss pala talaga yung ganito.

"Anong flavor ng juice nga? Mapapagalitan ako ni Mama." Bulong nito. Natanaw ko naman yung Mama nya tsaka si Madc na naguusap sa kusina nila.

"Kung anong meron. Kahit ano." Panggagaya ko sa pagbulong nya. Pagkatapos ay nginitian ko ng nangaasar.

Umakma ito na susuntukin ako. Naiharang ko naman ang mga kamay ko.

"Sabi sa'yo tita. Close na sila agad e."

Biglang singit ni Madc.

"Hello po." Bati kong muli kay.. ano nga ba name ng mommy nya?

"Bunsoy.."

"Mommy naman." Pagpuputol nitong reklamo sa tawag sakanya.

Bunsoy pala ah.. napasmirk naman ako doon.

"kuha mo na ng maiinom si JM. Kanina mo pa pinaghihintay ang bisita natin."

Sumunod naman agad si 'bunsoy'

Naupo naman sa katabing set ang mommy nya.

"Ay anak, salamat sa pagasikaso sa anak ko. At sa paghatid ha? Pasensya ka na sa abala. Nakakahiya naman sa'yo. Ikaw pala may ari nung pinuntahan nila." Derederetsong sabi nito.

Napalingon naman ako kay Madc na nagmouthed na naikwento na nya. Okay na lahat.

"Ay tita, wala pong kaso sakin 'yon. Tsaka mabait naman po yung anak nyo." Sagot ko.

"Kapag tulog." Dagdag naman ni Madc. Na nagpatawa sa amin.

"Ano nanaman ba 'yon?" Singit ni Jaki na may dalang tray na may apat na basong juice at isang tubig."

Nilapag na rin nya iyon sa tapat ko.

"Nagkukwentuhan lang kami nitong kaibigan nyo." Sabi naman ng Mommy nya.

"Ay sya nga pala, nakwento kasi nitong si Madc na tumawag ka raw sa number ko?"

"Yes po Ma'am kaso po di ko po kayo macontact."

"Pati ba naman yun? Anak ka ng nanay mo Madc." Napafacepalm nalang si Jaki sa mga nangyayari. At kinuha yung isang baso ng tubig at iminom.

Yun sana kukuhanin ko e.

"Tita nalang. Tita Lou, or Che."

"Ikaw pala yung tinatawagan ko kanina. Di ka rin sumasagot kaya quits lang."
Patango tango pang sabi ni tita daw. Hehe. Ang cute ng Mommy nya.

"Ay pasensya na po. Naiwan ko po kasi yung phone ko sa..(sasabihin ko ba kung saan?)
Sa pinuntahan po ng anak nyo kagabi. Kanina ko lang po nabalikan. Tapos hinatid ko na po yung dalawa." Paliwanag ko nalang.

"Pero isesave ko na rin po just in case bumalik po doon yung anak nyo." Sabi ko. Di ko naman gusto asarin si Jaki by saving her mom's number para na rin safe di ba. Pero ang cute nya kasi mainis.

"Maguusap nga pala tayo mamaya anak." Baling naman nya kay Jaki.

"May ikukwento ka raw sabi ni Madc."

Nakaramdam naman ako ng pagkalungkot nya. Nakikita ko sa mata nya.

Ininom ko naman yung juice na inihanda nya.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now