Chapter 8

5.7K 130 2
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" sabay iwas nang tingin.

  Iniharap niya ako sa kanya gamit yung baba ko tapos pinunasan niya yung mga luha kong pumapatak nang di ko alam.

"Napadaan lang ako, ikaw?"

"Wala, sige una na a—" hinawakan niya yung kamay ko tapos.. NIYAKAP niya ako

"Umiyak ka lang. Sabi ng mama ko kapag may yumayakap sayo, hindi mo maiisip yung problema mo kasi alam mong di ka nag-iisa"

"Ahh."

"Kaya yayakapin kita hanggang makalimutan mo ang lahat nang problema mo" naiyak na ako ng tuluyan. 

Namiss ko yung ganitong feeling, yung may karamay kang iba bukod sa pamilya mo.

Maya maya, bumitaw na siya nung tumahan na ako

"Ayos ka na?" tumango lang ako habang nag-aayos ng sarili

"Ako nga pala si Charlie, ikaw yung Nathalie diba? Yung—" pinutol ko na kasi alam ko na yung sasabihin niya.

"Oo, Nathalie Bernal" *HANDSHAKE*

Tumingin ako sa orasan, 6 PM na

"Ah sige, una na ako, pagabi na eh.. Thank you" sabay tayo tapos takbo sa may main gate.

Pero.. napatigil ako kasi nandun SILA, they're kissing. Tumulo ulit yung luha ko, ang hirap mag move on.

Biglang may humigit sa akin paharap sa kanya tapos niyakap ako.. nang sobrang higpit. Sinilip ko kung sino to *SMILE* si Charlie, buti na lang nandyan siya 

'Thank You' I mouthed kahit alam kong di niya narinig o nakita

After that day, lagi na kaming magkasama. Siguro 3 weeks na rin kaming ganto, hatid- sundo niya ako kaya dahil doon nakilala siya nila mama. Tuwing sabado at linggo naman, gala lang kaming dalawa kung saan saan. Siya lang kausap ko sa school at dahil doon, may rumors ulit na papaasahin ko siya ulit pero pinagtanggol niya ako sa kanila kaya nung araw na yun, pagkauwi ko nang bahay. Naisip ko na lang na hindi ko siya kayang saktan, alam kong hindi ko kaya.

Nung mga susunod na araw, nagising na lang ako na ang nasa isip ko ay siya. 

I just said to myself that 'I'm inlove with this guy, mahal ko na talaga si Charlie'

Revenge to my ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon