Chapter 5

6.3K 126 4
                                    

Pagdating kong bahay, kumain ako tapos nagbihis. Ginawa ko yung mga assignments namin.

Nag- open ako ng facebook ko at trending topic yung nangyari kanina, binisita ko rin yung wall niya, tadtad ng posts nang kung anu- ano, may edited ngang copy yung ibang pictures eh.

Nag- visit din ako sa site ng school namin at pati doon ganun pa din. Inaaway na nga ng mga barkada niya yung mga ala- paparazzi naming schoolmates eh.

Bahala siya, masakit din kaya yung ginawa niya *TEARDROPS* kulang pa yun. 

Pinatay ko na yung computer tapos kumuha ng box, nilagay ko dun lahat ng bagay na nagpapaalala sa kanya. Umalis naman sila kuya at papa, tulog na rin si mama pati yung mga kasambahay namin.

Nagsindi ako ng 5 candles sa terrace sa may kwarto. 

Plan# 2, Burn all the memories.

Sinunog ko lahat mula sa letters at pictures hanggang sa lahat ng mga pwedeng sunugin na sa kanya nagmula. Binox ko naman yung mga hindi pwedeng sunugin tapos tinapon ko sa basurahan.

After that, naiyak ako kasi di na talaga pwedeng ibalik yung dating kami, yung masayang kami, yung walang pang epal. 

Hay nako! Di ko na alam, matutulog na ako.

Revenge to my ExWhere stories live. Discover now