Chapter 6

6.1K 136 4
                                    

"Nathalie!!" napatigil ako, nandito na nga pala ako sa school.

"Oh, Jake! Musta?" si Jake, boyfriend ni Jessy my Bessy.

"Okey lang, may itatanong lang sana ako"

"Sure, tara dun tayo" umupo kami sa may bench area.

"So... Ano yun?" Start ko, weird ng atmosphere eh

"Uhhmm... Nabalitaan mo naman siguro yung nangyari kay Chris kahapon"  ay! Oo nga pala, isa ito sa mga kaibigan ni Ex.

"Ahh, oo naman. Bakit mo natanong?" relax lang Nathalie, walang kang alam

"Pinaghihinalaan ka kasi ng tropa, baka daw kasi ikaw yun dahil nga, diba naging kayo tapos biglang ganun, ikaw ba yung—"pinutol ko na siya

"Edi nagmuka akong bitter kung gagawin ko yun diba? Ayoko naman nun tsaka wala na akong pake dun"

"Talaga? Di talaga ikaw may—"

"Ulit ulit lang Jake?! Unli unli.." tumawa lang siya

"Naniniguro lang, sige una na ako.. pakisabi kay Jess 'I Love You' galing sa puso ko"  natawa naman daw ako, ang corny talaga neto

Pagkaalis niya, tumayo na din ako at naglakad papuntang room. Sinabi ko yung pinapasabi ni Jake at ayun, kilig naman si Bessy, tsk 

Buong oras nag klase at break, ang nasa isip ko lang ay 'BITTER AKO' sa kanya dahil naghihigante ako pero diba, masakit yung ginawa niya tapos ngayon parang wala lang, parang bang 'Have we met??' ang drama namin. Pero kapag di na masakit, ititigil ko na rin. promise.

*DISMISSAL*

Nauna na akong umalis, nagtext din ako sa bahay kasi pupunta ako sa mall at baka gabihin din ako..

*MALL*

Pumunta ako dito kasi gusto kong pagisipan kung itutuloy ko pa ba yung 'so-called-plan' ko. Habang naglalakad ako, nahagip nang dalawa kong mata, silang dalawa. Magkahawak nang kamay, share na kumakain ng banana split..

Isa lang ang nararamdaman ko.. ang SAKIT dito *POINTTOTHEHEART*

This maybe bad but this is a sign.. I must continue.

Revenge to my ExWhere stories live. Discover now