GHIGH: PUZZLED

4.4K 199 14
                                    



Chapter 19: Puzzled


Alyx Servantes's Point of View

"Let go off me!"

Sinubukan kong alisin ang malalaki niyang kamay na nakahawak sa'kin. Unang word pa lang na sinabi niya kanina, kilala ko na kung sino ang may-ari noon.

"Answer me first. Alam mo bang delikado—" Hindi ko pinatapos si Kade sa pagsasalita dahil kaagad kong sinipa ang paa niya.

"Alam kong delikado and I don't need your opinion, jughead!" Mahina kong bitaw ng salita at sapat na para marinig niya.

Akmang tatakbo na ako papalayo nang hilahin na naman niya ang damit ko.

"Ano ba?" Sinubukan kong iwasiwas ang kamay niya ngunit masyadong mahigpit ang pagkakakapit niya rito.

Nagtama ang aming paningin nang itaas ko ang tingin sa kaniya. Tumatama sa kan'yang mukha ang ilaw na galing sa buwan at nakita ko ang dismayado niyang pag-iling.

"Bitiwan mo sabi ako—What the fuck!" Nahugot ko ang aking hininga nang bigla na lamang niya akong buhatin na parang sako ng bigas.

Hawak niya ang likod ng hita ko at nakaladlad ang ulo ko sa kaniyang likuran. Dahil sa inis, malakas kong pinaghahahampas ang kaniyang likod pero hindi siya natinag upang ibaba ako.

"What's wrong with you, fucker? Ibaba mo nga ako!" Para namang wala siyang naririnig. Gusto ko mang sumigaw pero hindi pwede.

Baka may mga estudyante pa sa labas or worst, the facilitators of this University.

"I will not bring you down until you answer my question, Ms. Servantes." Rinig kong sabi ni Kade mula sa harap.

Hindi pa rin siya tinatablan ng hampas at tadyak ko. Parang s'yang bato, ako pa ata ang nasasaktan sa pinaggagagawa ko. Fuck this man!

Hinayaan ko na lamang siyang dalhin ako kung saan. Sa oras lang talaga na maibaba niya ako, sisipain ko ang pagkalalaki n'ya and I'll run. Bwisit!

Siya lagi ang sumisira sa mga plano ko. Para s'yang kabute.

"Put me down! Nahihirapan na ako!" Muli ko siyang hinampas.

Sa pagkakataong iyon, tumigil siya sa paglalakad at naramdaman ko ang pagbuntong-hininga nito.

"Okay fine. Your wish is my command." Saad nito at biglang lumuwag ang pagkakahawak sa hita ko.

"Oh, shit! Wait—Aww!" Impit akong pumikit habang dinaramdam ang masakit na pagtama ng aking puwit sa matigas na lupa dito sa liblib na lugar na malapit sa field. "Fuck you, Kade Martinez!"

Napapaligiran ang paligid namin ng mga puno. Ang tanging ilaw lamang na nagbibigay liwanag sa kapaligiran ay ang liwanag na galing sa mga poste at sa malaking bilog na buwan.

I heard his small laugh. He's looking at me and then lowered his body to reach my face. Tinignan niya ako sa mata and an annoying smirk drawn on his lips.

"Fuck me? Are you sure?" Bumaba ang tingin niya sa aking labi.

Pinanliitan ko siya ng tingin at lumunok. Ikinuyom ko ang aking palad at akmang susuntukin ko siya ngunit nasalag kaagad niya ang kamao ko.

Natigilan ako dahil bigla niya akong hinigit papatayo at nasalo niya ang katawan ko kaya balanse ang lahat.

He's holding my waist and my right hand. Ang kaliwa ko namang kamay ay nakahawak sa kaniyang braso upang sumuporta.

Gangster High: Rebirth of the Gangsters -Completed Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum