GHIGH: BEWARE OF RULES

6.8K 327 34
                                    

Chapter 10: Beware of Rules

Alyx's Point Of View

Naramdaman ko ang ilang paghawak sa'king kamay. Nagising ako dahil sa init ng kanyang palad.

"Waaa! You're finally awake!" Rinig kong boses ni Izzy. "Guys, come here!" Dugtong nya at parang may tinawag pang kasamahan.

Nang makalapit silang tatlo sa higaan ko, kumunot ang noo ko. "What are you doing here?" Mahina ang boses kong 'yon pero hindi nawawalan ng naiinis na tono.

"We're worried about you. Balitang balita sa buong campus na vinaolate mo ang fifth rule—" Inis kong pinutol ang sinasabi ni Mae.

"Crap that fifth rule!" Inis akong umiwas ng tingin sa kanila. Sa paggalaw kong 'yon ay naramdaman ko ang sakit ng kamay at braso ko. Hindi ko na halos maigalaw ito sa sobrang sakit.

"Gusto mo ba ng pain killers? Hihingi ako ng injections kay Dr. Dobrev?" Pag-aalok naman ni Izzy.

"No. Gusto ko ng umalis dito." Sabi ko sa kanila at pilit na binangon ang sarili ko pero sabay sabay silang tatlo na inihiga ulit akong pabalik sa kama.

"Nooo." Malakas nilang suway. "You're not feeling well yet. Magpahinga ka muna." Dugtong naman ni Charles.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang sundin silang tatlo. Napapapikit na lang ako tuwing naiisip kong kinakausap ko ang tatlong 'to. Bakit ko ba hinahayaang makapasok sila sa buhay ko?

Ilang minuto ring natahimik ang buong kapaligiran ng clinic. Nakaupo ako habang pinagmamasdan ang wall clock at nag-iintay ng oras ng uwian. Alam kong sandali na lang at aalis na sila dito and I don't want to stay in this kind of place.

"Nakita mo ba ang mukha ni Rave?" May halong pagdadalawang isip na tanong ni Izzy sakin. She's not looking at my eyes, nakatingin lang sya sa isang key chain na pinaglalaruan nya kanina pa.

Using the edge of my eye, nakita ko ang ginawang pagsiko ni Mae sa kanya. "Pasensya ka na sa tinanong ni Izzy. She's just interested on him." Ikinalingon ko ang sinabing 'yon ni Mae.

"Bakit interesado kayo sa ganoong uri ng tao? May alam ba kayo tungkol sa lalaking 'yon?" Wika ko sa malamig na tono.

"Ang alam lang namin kapatid sya ni Kade. We're not allowed to know more about him." Si Charlie ang sumagot. He obviously nervous while staring at me. Hindi ko alam kung bakit nagbibigay ng ganoong tensyon sa kanila kapag nasa ganitong usapan kami.

"Tapos tinatanong nyo kung ano ang itsura ni Rave? Gusto nyo din bang mapahamak?" I asked irritatedly. Hindi ko alam kung bakit parang may side sa utak ko na nag-aalala sa pwedeng mangyari sa kanila. Wala din akong pakialam sa kanila. Pero hindi ko kasi magugustuhan kung ang lalaking 'yon ang magbibigay sa kanila ng punishment. Sigurado akong hindi nila kaya.

"Are you worried about us?" Tanong ni Izzy without looking at my eyes again.

Sarkastiko akong ngumiti sa kanya. "Yes I'm worried..." May pagputol sa pagsasalita ko. Tumingala naman ng tingin sakin si Izzy. "Pero hindi sa inyo, nagwoworry ako na magasgasan ang magandang uniporme na suot nyo."

Hindi ko maintindihan ang naging reaksyon ng tatlo pero maliwanag sa pakiramdam ko na naging dismayado sila sa sagot ko. Wala akong pakialam kung nasaktan sila doon dahil parang mas pinaparating ko na mas may halaga ang uniform na 'yon kesa sa buhay nila. At isa pa, hindi ko naman sila responsibilidad, bahala sila sa kung anong gusto nila.

"Pero kung gusto nyo talaga syang makita..." tinignan ko sila isa-isa. "Sumama kayo sakin mamayang gabi." Bakas sa mukha nilang tatlo ang pagkagulat. Sinasabi ko na nga bang hindi nila kaya, they're pretending to know more but they're scared to work for. Kaya ko rin naisipang isama sila dahil malaki ang maitutulong nila sakin, pwede ko silang gamitin bilang eye-sighters kung may taong maaaring makakita sakin habang ginagawa ko 'yon.

Gangster High: Rebirth of the Gangsters -Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon