Nagulat naman ako ng tutukan ako ni Lincoln ng baril.

"Ngayon Chua, sabihin mo ang lahat ng nalalaman mo at handa kaming tumulong mapabagsak lang ang g*gong yon" aniya kaya napangisi ako at tinabig ang baril na nakatutok sa ulo ko.

"Hindi ka nagkamali ng kinampihan ngayon, Hondeval" sagot ko.

***

Hazelle's POV,

Palabas na ko ng school ng bigla nanaman bumungad sakin ang pagmumukha ni Lincoln na matalim na nakatitig sakin.

Siguro iniisip nanaman nya na kahawig ko si Ate Delaney. Malamang, magkapatid kami. Gusto ko sanang sabihin sakanya nandito na si Ate Delaney para tigilan na nya ko pero ayoko namang pangunahan si Ate. Alam kong alam nya ang tamang panahon para makipagkita muli kay Lincoln.

Akmang lalampasan ko na sya pero agad nyang nahuli ang pulsuhan ko at hinigit palapit sakanya.

"Ano nanaman bang kailangan mo?" Inis kong tanong. Seryoso nya lang akong tinignan.

"I'm sorry, hindi ko sinasadyang gawin yun" aniya kaya unti unti akong napatingin sakanya.

Marunong pala humingi ng tawad ang lalaking 'to?

Bumuntong hininga ako at binawi ang pulsuhan ko sa kamay nya.

"Naiintindihan kita, kalimutan mo nalang ang nangyari. At pwede ba, lumayo ka na sakin, mag-" pinutol nya ang sasabihin ko.

"Hindi parin kita pwedeng layuan. Just trust me Hazelle, para din sa ikabubuti mo 'to" aniya na ikinagulat ko.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Mortal na magkaaway ang BX5 at ang RV5 hanggang ngayon, kaya bakit nya 'to sinasabi sakin ngayon? Bakit nya ko pinoprotektahan?

"Wag ka ng magtanong kung bakit. Ipapaliwanag namin sayo ang lahat sa oras na matapos na ang lahat ng 'to. Sa ngayon ang tangi mo lang magagawa ay mas dumikit sakin at lumayo kay Dylan" aniya kaya nanlaki ang mata ko.

Magsasalita na sana ako pero agad nyang tinakpan ang bibig ko.

"Wag ka mag alala, alam nyang kasama 'to sa plano, para isipin narin ng lahat ng estudyante dito na wala na kayong relasyon, at pinagpalit mo na sya sakin" sagot nya ng nakangisi kaya marahas kong tinanggal ang kamay nya sa bibig ko at agad syang hinampas sa braso.

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung para 'to sa ikabubuti ko o para sa ikakasaya mo?" Sagot ko kaya natawa sya.

"I'm still a virgin, can you trust me now?" Salita nya kaya nanlaki nanaman ang mata ko.

Maniwala ako sakanya!?

Nagulat naman ako ng bigla nyang inabot sakin ang isa nyang helmet.

"Ingatan mo yang helmet na yan, ikaw lang ang pangalawang tao na gumamit nyan" aniya at sinuot na din ang helmet nya.

Agad naman pumasok sa isip ko si Ate Delaney. Siguro ito ang helmet na lagi nyang pinapasuot kay Ate Delaney noon.

"Kaya kong umuwi mag isa, hindi mo na ko kailangang ihatid" sagot ko.

"Gusto mong mapatay ako ng jowa mo?" Banta nya.

Inirapan ko nalang sya at sinuot na ang helmet at umangkas na sa likod ng motor nya.

Humawak na ko sa magkabilang balikat nya at pinaandar na nya ang makina ng motorsiklo nya, pero hindi nya parin ito pinapatakbo na pinagtaka ko.

Nagulat naman ako ng hawakan nya ang dalawang kamay ko at pinulupot ito sa may bandang bewang nya.

"Tsk, siniswerte ka talagang babae ka" aniya pero bago pa man ako makasagot ay mabilis na nyang pinatakbo ang motor nya.

***

Dahil mabilis syang magpatakbo ay mabilis kaming nakarating sa bahay.

"Salamat sa paghatid" walang gana kong sabi at inabot sakanya ang helmet.

Napansin ko naman na nakatitig sya sa puting motorsiklo na nakaparada sa may garahe namin kaya agad nanlaki ang mata ko.

"Kaninong motor yon?" Agad nyang tanong kaya agad bumilis ang tibok ng puso ko.

Anong idadahilan ko!?

"S...sa Kuya Matt ko, tama kay Kuya ang motor na yan" nauutal kong sagot.

"B..ba't mo natanong?" Tanong ko. Bigla naman syang malamyang ngumiti at umiling.

"Nothing. I just remembered someone. Nabanggit nya kasi sakin nun na gusto nya ng puting motorsiklo, pero hindi sya pinapayagan ng magulang nya dahil delikado daw ang motor" paliwanag nya kaya patay malisya nalang akong tumango at kumagat labi.

"Sige mauna na ko. Good night" aniya at sinuot na ang kanyang helmet at pinatakbo na ang kanyang motorsiklo.

Bumuntong hininga nalang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Pagkapasok ko ng bahay ay agad bumungad sakin si Ate Delaney.

"Wag ka mag alala, hindi ko sinabi sakanya" sabi ko at malamya naman syang ngumiti at tumango.

"Pagkatiwalaan mo sya Hazelle, sinisigurado ko sayo, mabait syang tao. Mabuti ang kalooban nya, yun ang mga bagay na minahal ko sakanya. Kaya sana, ikaw ng bahala magpasaya sakanya, kahit sa paraan ng bilang magkaibigan lang" sabi nya at nakita ko ang nagbabadyang luha sa mga mata nya.

Lumapit naman ako sakanya at yinakap sya.

"Malalagpasan nyo 'to Ate. Balang araw, maiintindihan nya din ang lahat, at magkakabalikan muli kayo" sagot ko.

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now