Bagong Taon

116 2 0
                                    

Matatapos na taon,
Matatapos na relasyon.
Panibagong hamon,
Bagong pagkakataon.

Yan ang pangkaraniwan,
Sa tuwing bagong pahina'y bubuksan.

Mga tao'y kusang lilisan.
Kaibigan ay nababawasan.
Nadidiskubre na ang taong pinagkakatiwalaan,
Ay puro lamang din kasinungalingan.

May mga maiiwan.
May ilang totoo pa naman.
Ngunit sila pa ang di mo inaasahan.

Sa susunod na taon.
Talino ang sana ay ating baon.
Makapili ng taong totoo.
Iwaksi ang mga pakitang tao.

Hayaan kung may matitira.
Hayaan na rin kung wala na.
Dahil ako'y naniniwala,
Ang Panginoon ay may planong mas maganda.

~
Happy New Year. Thank you for reading❣️

ModernoDeMariaClara

Mga Tula: Walang Sukat, May Tugma (WATTYS2019) Where stories live. Discover now