Kung makakasakit na,
Ako'y titigil na.
Hindi ko ipagpipilitan ang di kaya.
Ako sayo'y lalayo na.
Kahit mahal pa kita.
Ikaw ay susukuan ko na,
Pagkat yun ang iyong ikasasaya.
Ibibigay ang gusto mo,
Dahil tiwala ako,
Mahahanap mo ang magpapasaya sa'yo,
Maaring sa piling ng iba mo makuha,
Ngunit ako ay tiwalang,
Ikaw ay magiging masaya.Mahal pinapalaya na kita.
Gusto kong pasalamatan ka,
Dahil ako'y iyong napasaya.
Ngunit ako nga sayo'y bibitaw na.
Di na kita kakayaning ipaglaban pa,
Pagkat mukhang nakahanap ka na ng iba.
Ako rin nama'y waring nilimot mo na,
Kaya ako'y mamamaalam na.
Salamat sa alaala nating dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/156126506-288-k727963.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga Tula: Walang Sukat, May Tugma (WATTYS2019)
PoetryIkaw, ikaw na nagbabasa, Tatanungin kita. "Nagmahal ka na ba?" "Nabigo't nasaktan pa?" Kung oo ay halika't dadalhin kita, Kung saan mga salita'y ubod ng ganda. Mga salitang pawang kawangis ng mga binitawan niya. Siya na taong pinangakuan ka, Pangako...