Akala

267 3 0
                                    



maraming pangako,
lahat ipinako.
akala ko totoo na tayo,
kathang isip lang pala ito.
umasa ako, oo.
bakit? dahil nagpakita ka ng mga motibo.

motibo na nagpatibay ng loob ko.
napapaniwala akong walang dulo.
na ako, sa altar ay ihaharap mo.
mamahalin ng totoo,
na para bang ako lang ang nakikita mo.

ngunit nagkamali ako.
sa simula pa lang pala,
wala nang tayo.
lahat ng ito,
ay maling akala ko.

Mga Tula: Walang Sukat, May Tugma (WATTYS2019) Where stories live. Discover now