Hindi Tula

86 3 0
                                    

Ako ba ay iyong naiisip sa tuwina?
Nangangarap na ang sagot ay "OO" sana.
Pero mukhang malabo na.
Lalo pa ngayon na ika'y sakin mawawalay na.
Batid kong sana parati mong dala ating kaunting alaala.
Ipangako mo sa akin na ako'y iyo paring maaalala.
Hindi ko hangad na ika'y muling makuha o ako ang dahilan ng iyong saya,
ang sana lang ay bigyang oras mo parin ang alaala kahit tayo'y wala na.
Kung di pwede na, ayos langat tatanggapin ito ng may ngiti't tawa.
Ngunit mangangarap parin na matuloy at mabuo ang pagmamahalang sinubok ng tadhana.
Ito'y hindi tula, sadya lamang may tugma dahil naisip ko na baka,
Baka pag ito'y narinig at nabasa,
Tayo ulit ay magtama at sa isa't isa tayo ay tugma.
Nang sa ganon, padurusa ay di na madama.

~
I really wanted to update badly pero nga time conflict at school worls ang kaharap ko so ngayon lang. Sorry po.

Mga Tula: Walang Sukat, May Tugma (WATTYS2019) Where stories live. Discover now