Bumabalik?

104 2 0
                                    

Anong sinabi ko?
Pag umalis, huwag babalik.
Pag umiyak, mata'y ipikit.
Pag puso'y sumakit, itikom na lang ang bibig.

Hindi ba yan ang hiniling ko?
Hindi ba naging klaro?
Di pa ba sapat ang pagmamaka-awa ko?

Pero bakit heto nanaman tayo?
Muling nagbabalik dating ikaw at ako.
Binabalik ang tawagang 'Mahal Ko'.
Nilalagyang ngiti ulit ang mga labi ko.
Kinikilig sa mga salitang sinasabi mo.
Akmang naniniwala ulit sa iyong pangako.
Pakiwari'y magmamahal ulit ako sa'yo.
Nagpapadala nanaman sa tukso.
Ayaw rin namang awatin ang puso.

Aamining nagkasala din,
Sa muling pagdinig ng iyong hiling,
Na ako'y muling makapiling.
Ngunit ano'ng gagawin?
Puso'y marupok din.
O sadyang magalit sayo'y di kakayin?

Makikiusap na tama na.
Ang muling masakta'y di makakaya pa.
Puso'y unti-unti sayo'y bumibigay na.
Nakakaramdam muling pag-ibig pa.
Bagay na pilit pinipigil na.
Pagkat gusto ng utak na ayawan kita,
Dahil minsa'y nagdulot na ng pinsala.

Pero, bakit nga ba?
Bumabalik ka sa'yong una?
Dahil ba sa pangalawa nag-sawa ka?
O babaeng nauna'y mahal mo talaga?
Hindi kaya, siya ulit ang pansamantala?
Pagkatapos ay iiwa't maghahanap muli ng iba?
O dangan nga lang at walang mahanap na pamalit pa?

Gusto kong malinawan,
Pakisagot lahat ng aking katanungan.
Para puso'y akin nang didiktahan.
Upang paparating na sakit ay pipigilan.
Dahil ayokong maulit ang minsan,
Minsang sinabi mo 'Paalam'.
Paalam na hindi ko alam ang dahilan.
Paalam na basta-basta lang.
Parang di pinag-isipan.
Para bang walang pinag-aralan.

Ako parin ay naguguluhan.
Ikaw raw ay dapat kong layuan,
Yan ang sabi ng mga kaibigan.
Pati kamag-anak at aking magulang.
Ang tulad mo raw ay di dapat balikan.
Ang oras na sayo ay ibibigay,
Lahat raw ay walang saysay.

Hindi ko alam kung sila'y papakinggan.
Puso ko'y sinasabing ikaw ay babalikan.
Utak ay nagtuturong dapat kang layuan.
Ano ang gagawing mas matimbang?
Ang minsang pagmamahalan?
O ang ginawa mo'ng pang-iiwan?
Paki bigyan ako ng kasagutan.

Mga Tula: Walang Sukat, May Tugma (WATTYS2019) Where stories live. Discover now