Pagkakamali

12 1 0
                                    


- Pagkakamali -


Sana sa unang halik,

hindi na nakita ang tala sa bituin

hindi na sana naging sabik

pa sa muling pag-ngitngit ng alab ng langit.


Minsan ng pinakita ang alapaap sa lupa

dinala mo ang langit sa makasalanang mundo

kaya tignan mo kung asan tayo, mali ako lang pala, tignan mo kung asan ako.

Nasa pinakailaliman ng empyernong iniwan mo.


Kung tubig lang sana ang ininom ng nagbabagang kuro-kuro

hindi mangyayari ang gabing sobrang mapusok

tila nag-aagaw ang dilim at liwanag sa mata mong umuusok

kaya ang nagnlalamig kong puso, natunaw sa maling pag-ibig na hindi naman puro.


- 11/9/18

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sulat KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon