Huwag Siya

5 1 0
                                    


- Huwag Siya -

Ilang tao ba ang makakapag-lahad ng kasalanan?
May tama ba o mali doon?
Ito ba ay may basehan na ngayon?
Ang basehan na ba na iyun ang batayan ng kahinaan ng tao sa panahon ngayon?

Kung sa bawat luha niya nanduon ka.
Pumupunas nito at tinatahan sa mga hikbi niya.
Kung sa bawat sakit na dinanas niya
Saksi ka sa bawat detalye nito at nakinig ka.

Kung sa bawat pagtawa niya,
Kasabay ka niyang humahalakhak.
Kung sa bawat argumento niya sa iba,
Nakikipagtalo ka sa ideya ninyong dalawa.

Kung kasama mo siya sa bawat hininga.
Kung alam mo kung ano ang ginagawa niya sa gabing tulog na ang iba.
Kung sa bawat dasal niya
Dinig mo ang hinaing niya.

Kung sa bawat materyales na gusto niyang bilhin, pero hindi magawa
Nanduon ka pinipilit siya sa gusto niya.
Kung nakikinig ka sa bawat kantang minsan ay kinakanta niya.
At kung may kakayahan kang basahin ang bawat istoryang binabasa o panuorin ang bawat palabas na tinawanan at iniyakan niya.

Magdadalawang isip ka kayang husgahan siya?

Sana alam mo ang mali sa mga sinabi mo.
Hindi mo masasabing masiyado siyang mababaw dahil sumuko siya.
Na napakahina niya at walang tiwala sa Puong Maykapal dahil tinapos na niya agad ang paghihirap niya ng hindi man lang lumalaban.

Sana natanong mo 'rin kung gaano kadaming tao ang napagtanungan niya at hiningian ng tulong.
Kung gaano kadalas siya sa harap ng altar ng bahay nila.
Kung gaano kahirap ilagay ang ngiti na ipinapakita niya araw-araw.
At kung gaanong sakit, takot at panghihinayang ang naranasan niya bago siya sumuko sa labang nakakaya mo pang labanan.

Huwag  mo siyang husgahan. Huwag siya. Huwag sila.
Dahil ang katapangan nila, sumobra pa sa iyo.
Ikaw ang mahina hindi siya.
Kung matapang ka, hindi mo makakaya ang ginawa niya.
Kaya matapang siya.
Matapang siyang tapusin ang buhay na simula't sapul hindi niya akalaing magiging kaniya.

©Bashilona

Sulat KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon