Nasaan?

16 2 0
                                    


- Nasaan? -

Noong mga panahong masaya ka,
Nasaan ang barkada?
Kasama mo sa bawat halakhak,
Pati sa pagtawa'y kailangan pang pumadyak.

Noong mga panahong malungkot ka,
Nasaan ang barkada?
Nakikinig sa bawat hinaing,
Pero and hindi mo alam, gusto na palang pigilan ang iyong bawat daing.

Noong panahong walang wala ka?
Nasaan ang mga taong sinabi na walang iwanan?
Baka nasa iba,
Pilit inaaninag ang pangakong nalilimutan.

Noong meron ka,
Nandyan sila.
Noong wala ka na.
Luhang pumapatak galing sa kanila ang iyo'ng tanging nadadama.

Kailangang may mawala,
Bago muna makita ang halaga.
Ganiyan ang tao, kaibigan.
Bulag sa katotohanan at mulat sa bawat kasinungalingan.

Kaya't huwag magtaka
Kung hindi ka na-iiba.
Sa sandaling ikaw ay tao,
Lahat tayo ay pare-pareho.

©Bashilona

Sulat KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon