Kasalungat

77 2 0
                                    


- Kasalungat -

Sabi sabi
Pangarap at katotohanan ay magkatabi.
Kung ano'ng gusto mo,
Iba ang mapapasaiyo.

Langit at Lupa ang pagitan.
Huwag mo ng pangaraping makamtan.
Dahil pag-iyong ipinilit.
Sakit ang kapalit.

Huwag i-asa sa haka-haka.
Maraming namatay sa maling akala.
Pangako nga ay nababali,
Pangarap pa kaya'ng hindi kasing labo na ng dati?

©Bashilona

Sulat KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon