Sana Huli Na

20 2 0
                                    


- Sana Huli Na -

Tanga.
Isang salitang ako ang batayan.
Totoo naman.
Ako ay isang tanga.

Una,
Nangako ka. Minahal kita.
Minahal mo ako.
Masaya tayo eh, hanggat sa sinabi mong "ayaw mo na dahil hindi nagtatagumpay ang magkarelasyong malayo sa isa't -isa."

Luha't sakit ang sa aki'y nangibabaw.
Alam kong hindi ko na kakayanin ang susunod na araw.
Nasanay na ako eh. Nasanay ako na nandiyan ka.
Pero sa huli, ayokong masakal kita, kaya pinakawalan kita.

Kasi Mahal kita.

Pangalawa.
Bumalik ka. Sinabing nagkamali ka sa pag-iwan sakin.
Sinuyo mo ako.
Pinakilig.
Pina-ibig.
Ako naman dahil sa hindi ka pa nalilimutan, pumayag.
Kung saang-saan pantsaya naglayag.

Pero sa huli.
Sinukuan kita.
Hindi dahil sa ayaw ko
Kung hindi dahil nararamdaman ko ang nalalapit mong pagsuko.
Hindi mo masabi dahil naawa ka sakin.
Pero pinanglalandakan mo na ang pagkakahulog mo sa isang kaibigan mo.
Anong magagawa ko?
Masakit malaman na kaya ka nilang pasayahin na hindi ko magawa
Pero mas masakit ang malaman
Na hinihintay mo lang akong sumuko dahil matagal na akong may kapalit sa puso mo.
Muli, pinakawalan kita

Dahil Mahal Kita.

Pangatlo, at sana'y ito na ang panghuli.
Bumalik ka.
Humingi ng huling pagkakataon na itama ang mga maling iyong nagawa.
Doble na iyung sakit na natamo ko sa'yo.
Natatakot na akong sumugal.
Pero sabi mo, kung may konting tiwala ako sa'yo, isugal ko.
Kaya sumugal ako.
Iyung tiwala ko kasi hindi naapektuhan
Ng ilang beses na pagwasak mo sa puso ko.

Pero sana huli na to.
Sana.
Pwede humiling? Mahal, sumugal akong muli dahil mahal mo ako at mahal kita.
Pero kung dadating man tayo sa puntong, ayaw mo na naman.
Pwedeng paki-agahan?
Habang kaya pa ng puso ko ng isang saksak mula sa'yo.
Kasi kung patatagalin mo,
Pangatlong beses mo na iyong gagawin
At aaminin ko, Ikakawala ng bait ko.

Dahil Mahal kita.
Kakayanin ko pa, kahit masakit na.
Unti-unti na akong nasisiyahan
Sa sakit na dulot mo sa akin.
Mahal. Sana huli na.

©Bashilona

Sulat KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon