I nodded, smiling at him. "Yeah... Thank you."

Jax just nodded, then resumed to reading his book.

God, law school would be more awesome kung may upperclass kang boyfriend na sasagot sa lahat ng tanong mo!

* * *

I stayed in the library from the morning hanggang lunch. Sasabit sana ako kay Jax na maglunch kaso may pupuntahan daw siya. Hindi na ako nangulit kasi baka bukas biglang hindi na siya dito mag-aral kasi pagtataguan na niya ako. But still, I continued to study. Mas na-inspire ako na mag-aral dahil sa kanya. Gusto ko na magaling din ako. Gusto ko na if magiging girlfriend niya ako, hindi naman ako nakaka-hiya. I heard from Joey kasi na medyo sikat si Jax dahil kada sem kasama siya sa highest sa batch nila. I gotta keep up!

After a while, pumunta na rin ako sa classroom. But Atty. Moran was absent—as usual. One month in law school, isang beses pa lang kaming nagkikita. Iñigo said na ganon daw talaga kasi hindi naman demanding iyong Legal Research na subject, but still. I paid for my tuition—I demand to get what I paid for.

"I should've just brought my iPad," bulong ko habang naghihintay kami sa kawalan. Three hours iyong subject namin, and required na maghintay kami ng 1/3 bago umalis. But even then, kailangan naming maghintay ng advisory from the Dean's office bago umalis. Sobrang badtrip.

Nagku-kwentuhan iyong ibang mga classmates ko, but most of them were buried deep in their own books. Feeling ko not enough kapag dinescribe ko sila as studious... para kasing matter of life or death na iyong level ng pag-aaral nila! Akala ko talaga sobrang sipag ko na... wrong. I was nothing but ordinary here in law school.

"Hey."

"Hey," I replied to Iñigo who took the empty seat beside me. Absent kasi si Deanne. Daya. Naramdaman niya siguro na aabsent si Atty. Moran!

"Finished ka na sa Crim?" I asked. Si Iñigo lang kasi iyong nakakausap ko sa room bukod kay Deanne. Ewan ko ba kung sino ang problema, ako ba o 'yung mga classmates ko. Either way, wala akong time isipin sila. Pati nga pagtulog tinitipid ko sa dami ng gagawin, e.

Iñigo shook his head. "Halfway."

"Tss. Daya. Five pa lang ako."

"Kaya mo 'yan. Friday pa naman."

"Ang bilis mo magbasa."

He laughed. "I just read a lot as a kid, so I read really fast right now," he said. Nung una, ang epal ng tingin ko kay Iñigo kasi sobrang feeling close niya sa akin, but ngayon, naaappreciate ko na iyong pagiging friendly niya. Kasi kawawa naman ako kapag absent si Deanne. Mapapanisan ako ng laway sa classroom na 'to.

"Unfair advantage," I said, eyeing him. Tinawanan lang niya ako.

"Bibili akong coffee. Gusto mo?" he offered as he stood up. He really liked drinking coffee. Parang tuwing nakikita ko siya may hawak siyang coffee.

I stood up, too. "Sama ako. Looks like hindi na naman papasok si Sir. Ano bang bago?" I said, rolling my eyes. Tinawanan na naman ako ni Iñigo.

Nag-usap lang kami about school—but mostly me ranting about our epal profs na hindi nagpapakita. I mean, gets ko naman na busy sila since iyong iba justice and ombudsman pa... pero paano naman iyong edukasyon ko?

"Wait, dito tayo," I said nung pagbaba namin ng second floor. Sa third floor kasi iyong mga first year students. Sa second floor naman iyong mga second year. Nandito si Jax, sigurado ako. Palagi akong dumadaan dito kasi nakikita ko siya. Alam mo 'yun? Kahit ilang segundo lang na sulyap sa kanya habang nagrerecite siya, sobrang nabubuo na iyong gabi ko?

Play The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon