Prologue

85 12 20
                                    

PROLOGUE

IT WAS one cold and dark evening in the residence of Rothskeed. No one dared to speak a single word as Ayven tried to process in his mind what tragedy just happened. He just lost someone he treasure more than his entire life.

“Nana…” he whispered. He can’t continue as his voice begin to crack. “Who killed my Nana?!”

Nagpalitan ng tingin ang mga taong nakapalibot sa kanya at sa wala nang buhay niyang yaya. Wala ni isa sa kanila ang naglakas loob na sumagot sa tanong ni Ayven na noon ay nasa pitong taong gulang pa lamang.

“Ayven, come here sweetie.” Dahan-dahan ang ginawang paglapit ng kanyang mommy upang hagkan siya. “Ayven,”

“Mom, they killed Nana! Why? Why?!”
It was too painful to witness. The young Rothskeed loved his Nana as it was the only person in the whole househould who, he thinks, loved him as much he was loved by his parents. Ito ang kasama niya sa mga panahon na abala ang kanyang mga magulang sa negosyo. Ito rin ang nag-iisang tao na nakikipaglaro sa kanya.
Sa murang edad ni Ayven, malinaw sa kanya kug ano ang kakaibang takot na nakikita niya sa mata ng mga tauhan ng kanyang daddy sa tuwing kakausapin niya ang mga ito. Ilag ang halos lahat sa kanya, maliban na lang sa kanyang Nana.

“She’s the nicest person in this house, mom! Why? This supposed to be a happy day!”

Indeed, it is.

Today was his seventh birthday.
Kauuwi lamang niya kasama ang kanyang mga magulang mula sa isang mag-hapong pamamasyal, pagsasaya. Ngunit laking gulat niya na ang ilang oras na kaligayahan ay may kapalit pa lang kabayaran.

“I’m sorry, sweetie.” Iyon lang ang salitang nagawang bitiwan ng kanyang ina. Maging ang kanyang ama ay nanatiling pipi sa katotohanang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan niyang tao ay wala na.
 
“Boss, nawawala si Thalia.”
  
Halos manlambot si Ayven sa narinig. Thalia was his Nana’s daughter.
 
“Dad, do something! Find her!” Paki-usap niya habang hinihila ang laylayan ng damit nito. “Dad! She’s a baby! You’ll find her, right dad?”
  
“Ayven, anak. Let’s go. You need to rest.” Inakay siya ng kanyang mommy paakyat sa kwarto niya. “Don’t worry. Hahanapin namin si Thalia. Just stay in this room. Okay?”
  
“But mom-”
  
“Kami na ang bahala. Just stay here.’

Fifteen years later…

“He’s back. Umayos kayo, mainit na naman ulo ni boss.” Mahinangbulong ng isang dalagang nakasuot ng kulay abuhing bistida na pinatungan niya ng itim na coat. Isa-isa pa niyang kinalabit ang mga nagku-kwentuhang empleyado na kaagad din namang nagpulasan pabalik sa kanya-kanya nilang mga lamesa.  “Mamaya na ‘yang tsismis. Baka mahuli kayo, kayo rin.”

“Sheshe!”

“Nako, ayan na! Yes, sir? Coming po!” natataranta pa niyang tumakbo para salubungin ang nakasibangot na mukha ng kanyang amo.

“Where’s my coffee?” tanong nito matapos mapansin na walang bitbit na kahit ano ang kanyang secretarya.

“K-kukunin ko na po. W-wait lang po, sir,” aniya bago nagmamadaling bumalik sa pantry. “Guys, tabi kayo d’yan! One cup of hot black coffee para kay boss!”

Kulang na lang hawiin niya ang mga taong nakaharang sa kanyang  dadaanan at nang matapos siya, buong ingat naman siyang bumalik sa opisina ng masungit na amo.

“Sir, ito na po yung kape niyo.”

“Just leave it there. Send me the documents that need to be signed,” anito nang hindi inaalis ng tingin sa binabasa nitong business reports.

“Okay po, sir.”

“By the way, tumawag na ba yung private investigator na kinuha natin?”

“Hindi pa po sir. But I will contact him again to ask some updates.” Yumuko pa ito bilang paggalang. Wala siyang ideya kung ano ang pinapa-imbistigahan ng binata pero natitiyak niyang mahalaga ang bagay na iyon. Hindi na rin siya naglakas ng loob na magtanong dahil hindi naman ito ang tipo ng tao na maari mo na lang basta tanungin ng mga bagay na walang kinalaman sa trabaho.

“Good.” Matipid nitong sagot at sinenyasan na ang dalaga upang lumbas na.

Labing limang taon na ang nakalilipas subalit hanggang ngayon, wala pa ring linaw kung ano ba talaga ang nangyari nang gabing namatay ang kanyang Nana at nawala si Thalia. His parents failed to find anything useful and it was just recently when he finally decided to do it himself. He’ll do everything to find Thalia.

°°°°°°
Ola! Ayon na nga. Sabi ko di ko ipo-post hangga't di pa natatapos ang Double Trouble Couple (Check niyo din po yung story ko na 'to). Pero ito pa din ako, posting this prologue. Ako na talaga ang walang isang salita. 😂😂😂
Don't forget to support by voting and leaving comments (demanding ako, e.)
Love love,
ForgottenPseudonym

The King's Greatest Downfall [ON-HOLD]Where stories live. Discover now