"Tama ka. Kamukhang kamukha nya si Delaney diba? Naalala mo si Delaney sakanya?" Sagot ni Handrix kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong ibato ang baso na hawak ko.

"Isa lang ang makakasagot ng mga tanong natin" biglang salita ni Cole.

"Sino naman?" Tanong ni Riley.

"Si Delaney. Sya lang naman ang nakakaalam kung bakit nya talaga hiniwalayan si Lincoln" sagot nya.

"Pero nasaan sya? Simula ng naghiwalay sila wala na tayong balita sakanya" sagot ni Handrix.

Lumabas na ko ng kwarto at iniwan sila. Habang naglalakad ako ay hindi ko sinasadyang marinig ang dalawang taong nag uusap sa kabilang kwarto. Opisina ito ng dad ni Felix.

"Mapagkakatiwalaan ba talaga yang pinsan mong yan? Sigurado ka bang makukuha natin ang mga ari arian ng mga magulang nila ng hindi ka nabibisto? Paano kung malaman nilang pinapa ikot mulang sila?" Tanong ng tatay ni Felix. Agad kumunot ang noo ko sa narinig.

"Hindi nila ako mabibisto kung hindi ako magpapahuli. Malinis ako mag paikot ng tao" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Boses yun ni Felix.

*phone ring

"Excuse me, hinahanap na ko ng asawa ko" Rinig kong sabi nya kaya agad akong nagtago sa isang sulok at nakita ko kung paano sya lumabas ng opisina.

Kumuyom agad ang kamao ko ng mapagtanto ko ang lahat ng narinig.

Kaya pala pinipilit nilang mapalapit sa mga magulang namin. Para pilitin mag invest ang mga magulang namin sa kompanya ng ama nya.

"Gusto mo makipaglaro? Sige pagbibigyan kita, pero sisiguraduhin kong kami naman ngayon ang taya" bukambibig ko.

Agad akong bumalik sa kwarto kung saan ko iniwan sila Handrix. Pagbalik ko ay nakita kong may kausap sa telepono nya si Riley.

"Paano nangyari yon? Wala naman tayong pinag invesan kundi ang mga Hondeval diba? Paano tayo mawawalan ng ganoong kalaking halaga?" Rinig kong tanong ni Riley sa kabilang linya.

"Dahil sila mismo ang dumadaga nito" saad ko na ikinagulat ni Riley at binaba ang tawag. Napatingin din sila Handrix at Khenz sakin ng puno ng pagtataka.

"Ginag*go tayo ng Felix na yun, matagal na. Pinipilit nyang mag invest ang mga magulang natin para mapagnakawan ang mga kompanya ng pamilya natin. Para lalong lumaki ang negosyo ng ama nya" paliwanag ko.

"Anong gagawin natin ngayon? Naumpisahan na nya ang kompanya nila Riley. Hindi ako makakapayag na galawin nya din ang ari arian namin" sagot ni Khenz.

"Susundin parin natin ang pinagagawa nya satin, ang pabagsakin ang BX5" sagot ko.

"Nababaliw ka na ba Hondeval? Kita mo ginag*go na tayo susundin parin natin sya?" Inis na saad ni Handrix.

"Pina ikot nya tayo diba? Pwes, papa ikotin din natin sya" sagot ko at ngumisi.

***

Melanie's POV,

Habang naglalakad ako papunta sa classroom ko ay nagulat ako ng makita si Riley na nakasandal sa motor nya.

Agad nya kong napansin kaya ngumisi sya sakin at agad ko naman syang inirapan at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Ng malalampasan ko na sya ay bigla nyang hinawakan ang pulsuhan ko.

"Ano ba, bitiwan mo ko!" Agad kong bulalas at nagpumiglas sa hawak nya.

"Easy my wife. Is that how you treat your soon to be husband?" Tanong nya na ikina init ng dugo ko.

Oo, alam ko na sya pala ang lalaking gustong ipakasal sakin ng mga magulang ko. At mas lalong tutol ako ng malaman ko yun.

"Dream on Madigan. Hinding hindi kita pakakasalan" agad kong sagot at natawa naman sya sa sinabi ko.

"Really? Pero alam mo sa oras na mahanap ka nila, hindi ka na makaka atras pa. The wedding must go on, you'll be Mrs. Madigan wether you like it or you like it" sagot nya.

"Don't worry, I'll make sure na hinding hindi nila ako mahahanap. So you can continue collecting your girl toy collection" sagot ko na ikinatawa nya ulit.

Ang babaw naman ng kaligayahan nya.

"Alam nilang dito tayo pareho nag aaral. There scheduling our wedding next month, be ready on our honeymoon, Mrs. Madigan" bulong nya at naglakad na palayo at iniwan akong tulala.

In your f*cking dreams Riley Madigan!

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now