"Levis!"

Bumagsak sa harap ng lalaki ang babae. Kasabay non ay ang pagdating ng mga pulis.

"Babalikan kita Levis, pangako babalikan kita. Mahal na mahal kita" bulong ng lalaki at umangkas sa isang motor at agad na pinatakbo yun.

[END OF FLASHBACK]

Elyzza's POV,

"Elyzza! Salamat naman at ligtas ka" agad na bungad sakin ni Hazelle at mahigpit akong yinakap.

"Nahanap na ba si Elyzza? Kailangan na daw ng gatas ng an-" naputol sa pagsasalita si Melanie ng makita ko, buhat nya ang isang sanggol.

Natuon ang atensyon ko sa sanggol na buhat nya. Kusang gumalaw ang mga paa ko at linapitan sya.

"Painumin mo na ng gatas ang anak mo Elyzza. Kanina pa yan nagmamaktol" ani ni Melanie.

Kusang tumulo ang mga luha ko habang binibigay sakin ni Melanie ang sanggol. Hindi nga ko nagkamali ng hinala, sya nga ang anak ko.

Unang kita ko palang sakanya, agad nanlambot ang puso ko.

"Pasensya na baby ah? Wag ka mag alala, ligtas na tayo ngayon" ani ko at hinalikan ang maliit nyang ulo.

Napagdesisyonan ko na sa kwarto nalang ni Levi i breast feed ang baby namin.

Natutulog pa si Levi ngayon dahil kanina lang inalis ang bala sa balikat nya.

Naka top less lang ang loko dahil sa kaartehan na hindi daw nya style ang hospital gown.

Habang abala ako sa pag breast feed ay napa isip na ko kung anong pwede kong ipangalan sa anak namin.

"Everly? Baby Everly Marzino. Ano sa tingin mo baby?" Tanong ko. Nagulat naman ako ng bigla syang tumawa kaya napangiti ako.

Mukhang nagustuhan nya ang pangalan na yun.

"That's a lovely name, munie" napatingin naman ako kay Levi ng bigla syang magsalita.

"Gising ka na pala" sagot ko at tumayo na para lumapit sakanya.

"Can I carry her?" Tanong nya habang titig na titig parin kay Everly.

Ngumiti naman ako at inabot sakanya si Everly.

"She looks like you" komento nya na ikinangiti ko.

Nakuha ni Everly ang hugis ng mukha ko at ang labi ko. Namana naman nya kay Levi ang mata at ilong nito.

"Kamukha mo rin naman sya. Anak natin yan diba?" Biro ko na ikinatawa nya.

"Munie, papainumin mo rin ba ko ng gatas? Mukhang ready na ready ka na ah?"

Nanlaki agad ang mata ko at agad napatalikod sakanya at agad binutones ulit ang suot ko. Nakalimutan ko palang nakabukas pa ito dahil nag breast feed ako kay Everly kanina.

"Wag mo ngang iparinig yang kamanyakan mo sa anak natin? Ang bata bata pa nya kung ano ano ng naririnig nya?" Suway ko sakanya pero tinawanan nya lang ako.

"Anong kamanyakan don? Ginagawa nya rin naman yun diba? She's drinking your milk. I'm drinking your juice" Aniya at kinindatan pa ko.

Papakasalan ko pa ba ang lalaking 'to?

"Tigil tigilan mo ko Marzino bago pa ko magdalawang isip na pakasalan ka" banta ko sakanya at kinuha na sa kamay nya si Everly at hiniga muna ito sa crib na nasa tabi lang ng kama ni Levi.

"Hindi ka dapat dyan nag dadalawang isip, munie" aniya.

"Magdalawang isip ka sa gagawin natin sa honeymoon. You want me to ride you, or you'll ride me?" Bulong nya sa tenga ko na medyo ikinagulat ko pa dahil kanina papala sya nakatayo sa likod ko.

"Kelan mo balak sabihin sakin na may kapatid ka pala?" Pag iiba ko ng usapan.

Ilang segundo naman syang natahimik.

"Gusto ko munang mag focus sa anak natin. Kaya minabuti kong hindi muna ikwento sayo ang tungkol don" sagot nya.

"Ano talagang totoong nangyari sakanya?" Tanong ko.

"Hindi sya totoong namatay nung gabing yun, nailigtas namin sya. Ginawa namin ang pekeng burol na yun para paniwalain si Handrix na patay na si Levis, para layuan na nya ang kapatid ko" paliwanag nya.

"Kung buhay sya, nasaan sya ngayon? Ba't wala sya sa bahay nyo?" Tanong ko.

"Nasa ibang bansa sya. Mabuti na ang kondisyon nya. Pero, wala na syang maalala tungkol sa nakaraan nya. Sabi ng doktor may pag asa pa na unti unting bumalik ang ala ala nya, pero magdudulot ito ng trauma sakanya. Kaya minabuti namin syang ilayo dito para tuluyang makalimot, at hindi na maalala ang nakaraan" aniya.

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kamay nya.

"Naiintindihan kita. Alam kong ginawa mo lang yun dahil mahal na mahal mo ang kapatid mo. Pero naiintindihan ko rin ang nararamdaman ni Levis, ang gusto lang naman nya ay makasama ang taong mahal nya, at si Handrix yun. Ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon nilang dalawa, ano ang gagawin mo? Hindi ba ipaglalaban mo rin ang pagmamahalan nyo?" Ani ko.

Bumuntong hininga rin sya at kinulong ako sa mga bisig nya.

"Sa totoo lang, wala akong problema sa relasyon nila. Hindi lang namin nagustuhan ang pamamaraan nila. Mali ang pinalano nilang magtanan" sagot nya.

Sang ayon naman ako sa sinabi nya. Mali talaga ang plano nilang pagtakas.

"Pero kung wala kang problema sa relasyon nila, ba't ayaw mong ipaalam kay Handrix ang kondisyon ni Levis?" Tanong ko.

"Dahil sa ama nya" Aniya na ikinakunot uli ng noo ko.

"Nalaman namin na ang kompanya nila ang nagnakaw ng lahat ng mga nag invests sa kompanya namin. At alam yun ni Handrix pero pinagtatakpan nya ito. Kaya sya tumakas sa mga pulis nung gabing yun, pag nagpumilit pa syang pagtakpan ang kasalanan ng ama nya ay makukulong din sya" paliwanag nya.

"Sa tingin ko, isang tao lang ang makakatulong sa inyo" sagot ko kaya napatingin naman sya sakin.

"Si Levis"

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon