Chapter 34: Deal

Magsimula sa umpisa
                                    

Sabi ko kahit kailan hindi na ako tutugtog ulit simula ng mamatay siya

Pero ito...Binalewala ko yung pangako ko sa sarili ko 2 years ago..

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyan ng umalis sa sementeryo

-----

"So uhmm...Magsimula na tayong magpractice"sabi ni Deil dahil kanina pa kami tahimik at inaantay ang bwisit na babaeng yun

Nagtayuan na sila sa pagkakaupo habang ako ay nakaupo pa rin

Nasa pwesto na silang apat ng bumukas ang pintuan sa music room..

"Buti naisipan mo pang magpunta.."sarkastikong sabi ko sa kanya

Nagkibit balikat lang siya

"Anong instrument hahawakan ko?"tanong niya kay Henz

Inabot naman sa kanya ni Henz ang acoustic at kinuha niya yun

"I want to play that one..."sabi ko kaya napatingin sila saken

Pinagkrus ko lang ang braso ko

"Ah,ano kasi Liam..."napakamot sa batok si Henz

"Anderson will play the electric one.."dagdag ko pa

Napataas ang kilay ni Zey dahil sa sinabi ko

"Zey alam mo bang tugtugin yun?"tanong ni Deil sa kanya

Ngumisi ako at tumayo saka inagaw sa kanya ang acoustic

Marahas naman siyang bumuntong hininga at inirapan ako saka kinuha ang electric guitar saka na kami nagsimula

"You know what?Ikaw ang magpapatalo sa section natin kung tatanga tanga kang tumugtog niyan.."sabi ko kay Anderson dahil kanina pa hindi sumasabay yung tugtog niya sa tugtog ng mismong kanta

Bumuntong hininga lang siya at napailing

Maya-maya lang sinabi na ni Henz na uuwi na kaming lahat

"Bukas ulit tayo magpa-practice..."sabi niya at tumingin kay Zey

"Uhm Zey..I hope bukas kaya mo ng sabayan yung pagtugtog nila Pier para mas maganda na ang kalabasan."sabi niya

I smirked and look at her.

Tumango lang siya pero walang emosyon ang mukha

"Let's go.."sabi ni Henz at nauna ng maglakad ang tatlo

"Tara na Zey.."yaya ni Deil

Akmang aalis na sila ng tawagin ko si Zey

"Anderson.."

Lumingon silang dalawa

Tumingin ako kay Deil at sinenyasan siyang umalis na

Napatikhim lang siya bago nagpaalam kay Zey na mauuna na

Tinaasan naman ako ng kilay ng babaeng kaharap ko

"What do you want?"seryosong tanong niya

Nagkibit balikat ako at ngumisi ng mapang-asar

"A deal."

"What deal?"

Lumapit ako sa kanya at nagpamulsa

"Kapag nanalo tayo for The Battle of the bands..Di ko na guguluhin buhay mo..Niyo..But...If our section loss this competition...Aalis ka sa campus na to..NG sapilitan."

Napataas ang kilay niya at ilang segundong hindi nagsalita bago matawa at nagpamewang

"Is that all what you want?For a deal Mr. Brugger?"

Hindi ko siya sinagot sa halip ay tinaasan ko lang siya ng kilay dahil sa pagtawa niya

"Well that's not too much..So...I deal with it."sabi niya at inabot ang kamay niya sakin

Tinignan ko yun at muling binalik ang tingin sa mukha niya

"Goodluck."sabi ko sa kanya at nilampasan siya ng hindi tinatanggap ang alok ng kamay niya

Tsh.Sisiguraduhin kong mapapaalis kita Zey Anderson..

----

ZEY'S POV

Kanina pa ko naiinis actually..Simula pa lang ng practice..Alam niyo kung bakit?Dahil sa bwisit na Electric Guitar na yun..Kahit kailan hindi ko pinangarap na tumugtog ng instrumentong yun dahil di ko kaya kaingayan masyado nun.Masiyadong pangrock..Ang hirap ihandle..Para sakin lang naman..Ewan ko sa inyo diba?Pero p*ta!Ang sarap sakalin ng Liam na yun..

Idagdag mo pa yung deal na yun..

Confident na confident masiyado si Gago.Kung ako nga lang papapiliin mas gugustuhin ko na lang umalis ng kusa kesa makipagdeal..Ayoko kasing natatalo..

Binaba ko ang kamay ko at nilingon si Liam na naglalakad paalis..Nag-act ako ng parang susuntukin siya saka inirapan..

Bwisit talaga tong lalaking to!

'Madapa ka sana diyan!'sigaw ko yan sa isip ko

Akmang maglalakad na ko ng makita ko si Liam na muntikan ng madapa at napahinto..

Napataas ang dalawang kilay ko..Mahina akong natawa dahil sa nakita ko..

"Pfft.."

Napatigil ako ng bigla siyang lumingon sakin at masama ang tingin..

Nagkibit balikat lang ako..

Padabog naman siyang naglakad ulit paalis

Naiiling na natawa na lang ako bago naglakad na paalis...

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon