"L..levi sumagot ka please" bukambibig ko habang hinihintay na sagutin nya ang tawag.

Umaagos na ang mga luha sa mata ko dahil puno na ng takot at pag aalala ang puso ko.

Napakagat ako ng mariin sa labi ng hindi nya sinasagot ang tawag ko.

Nabitawan ko ang cellphone ko at napahawak agad sa tyan ko ng maramdaman na sumakit ito.

Napasigaw na ko ng lumalala na ang sakit nito. Narinig ko naman ang agad na pagbukas ng pinto mula sa kwarto.

"Elyzza ayos ka lang?" Agad na tanong sakin ni Hazelle.

"Ano ba yan Hazelle nagtanong ka pa! Manganganak na sya hindi mo ba nakikita!?" Sagot ni Lia.

"Tatawag na ko ng ambulansya" sabi ni Melanie at nilagay sa tenga nya ang telepono.


***


Levi's POV,

Bukas na ang balik namin sa pilipinas. Habang inaayos ko na ang mga gamit ko sa bagahe ay may napansin akong isang itim na kahon sa may tabi ng tv cabinet. Kunot noo ko naman yun linapitan at nagdalawang isip kung bubuksan ko ba o hindi.

Pinili kong buksan ang kahon dahil sa kuryosidad kung anong nasa loob non. Agad nanlaki ang mata ko ng makitang isa itong bomba na may orasan. Sampung segundo nalang ay sasabog na ang bomba kaya mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto, saktong paglabas ko ay ang malakas na pagsabog ng buong kwarto.

"Shit!" Agad na bulalas ko habang tinitignan ang ngayon nagliliyab na kwarto na kung hindi ako nakalabas, kasama ako ngayon sa mga nasusunog na kagamitan.

Pinindot ko ang fire alarm at agad naman nagsilabasan ang lahat ng taong nasa loob ng mga sarili nilang kwarto.

Nahagip ng mata ko ang lalaking seryosong nakatayo sa pinaka dulo ng hallway kung nasaan ang mga pinto ng bawat kwarto. Naka maskara ito ng itim at lahat din ng suot nya ay kulay itim.

Agad akong naglakad papalapit sakanya pero ng akmang malapit na ko ay bigla syang naglaho sa paningin ko.

Inikot kong muli ang buong hallway pero nabigo akong makita ulit ang lalaki.

Nang akmang maglalakad na muli ako ay nanigas ako sa kinatatayuan ko ng may isang taong nagtutok ng baril sa aking sentido. Nakatalikod ang lalaki sakin habang nakatutok sa ulo ko ang hawak nyang baril.

Narinig ko ang pagkasa nya ng baril at alam kong isang kalbit nya lang dun ay puputok ito.

"Hindi ko alam na ganto pala kadali ang ipapapatay sakin ni boss" bukambibig nya.

Napangisi ako sa sinabi nya at mabilis na sinikuhan sya sa may tagiliran, dahilan para mabitawan nya ang kanyang baril na mabilis ko naman kinuha at tinutok sakanya.

"Dyan ka nagkakamali" sagot ko at pinatikim pa sya ng ilang suntok bago ko itutok muli sakanya ang baril.

"Sino ang nag utos sayo nito?" Tanong ko.

Bigla syang bumuga ng dugo at ngumisi ng nakakaloko.

"Akala mo ba nanalo ka na? Nagkakamali ka, hindi ka na makakaabot ng kinabukasan Marzino" aniya.

"Fuck!" Agad kong sigaw ng maramdaman na may nagpaputok sakin ng baril sa aking binti.

Agad akong napaluhod at tinignan ang lalaking may hawak ng baril na ngayo'y nakatutok parin sakin.

Tangina! May kasama papalang alipores ang lalaking 'to. Duwag, hindi kayang pumatay ng mag isa. Tsk.

"Katapusan mo na, Marzino" aniya at kinasa ang kanyang baril. Bago nya makalbit ang baril ay natumba na ito sa sahig na ikinagulat ko.

"Pasensya na, nahuli ba kami?" Bukambibig nya.

Napangisi nalang ako at umiling.

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now