✔ 68 "Ang Ibong Adarna"

659 5 0
                                    

Noong unang panahon sa Kaharian ng Berbanya,

Kung saan ang mga tao’y nakangiti’t nakatawa

Ito’y pinamumunuan ng magagaling na mga ninuno

Sina Don Pedro, Don Diego, Don Juan, Reyna Valeryania at Haring Fernando

Si Don Pedro ang panganay at ang may pinakamagandang tindig

Si Don Diego ang pangalawa at ang pinakamahiyain

Si Don Juan ang bunso at siya ang pinakamabait at mapagmahal

Sila ay mahal na mahal ng kanilang mga magulang

Nagsimula ang storya ng Ibong Adarna noong nagkasakit ang Hari

Ang kanyang anak na si Don Juan ay namatay sa kanyang panaginip

Walang nagawa ang karamihan bukod sa isang manggagamot

Ang makaliligtas raw sa kanya ay ang tinig ng isang mahiwagang ibon

Ang mahiwagang ibon na ‘yon ay nasa Bundok Tabor nakatira

Tuwing gabi, ito nama’y tumitigil sa Piedras Platas

Si Don Pedro ang unang inutusan ng hari upang hulihin ang ibon

Sa kasamaang palad, siya ay nabigo

Matagal na nawala si Don Pedro

Kaya’t inutusan ng Hari na hanapin siya at ang ibon si Don Diego

Tulad ni Don Pedro, siya ri’y hindi nagtagumpay

Walang nagawa ang hari kundi utusan si Don Juan

Maraming nangyari mula nang simulan niya ang kanyang paglalakbay

Marami siyang nakilala at maraming tumulong sa kanya

Marami siyang inibig na mga binibini

Ngunit hindi tunay ang kanyang pag-ibig

Si Donya Leonora ang isa sa mga binibining iyon

Kanyang hinintay ang pagbalik ni Don Juan

Na kasalukuyang patungo sa Reyno de los Cristal

Upang makilala ang babaeng nakatadhana sa kanya ayon sa Ibong Adarna 

Maria Blanca ang kanyang pangalan

Isang binibining maganda at may kapangyarihang mahika blangka

Dahil dito’y napa-ibig na naman si Don Juan

At sa kanya’y nagpakilala

Noong nagpakilala siya sa kanyang ama na si Haring Salermo,

Pinagawa siya nito ng iba’t ibang hamon

Ngunit imbis na siya ang gumawa

Ay si Maria Blanca na lamang

Nang dahil dito, nagbalak na lamang ang hari na patayin si Don Juan

Hindi niya alam na nalaman pala ito ni Maria Blanca

Kaya’t kanyang sinabihan si Don Juan na sila’y magtanan na

Nahirapan sila ngunit nakatakas na rin naman

Hindi nila alam na sa may sinumpa ang hari

Na kapag may nakitang babae si Don Juan, kanyang kalilimutan ang binibini

Sa sobrang galit ay pumanaw na siya

Hindi man lang sila nagkaayos ng dalaga

Sinabi ni Don Juan na mauuna siyang tumungo sa Berbanya

Hindi sana sasangayon ngunit nakumbinsi niya si Maria

Sinabihan niyang huwag ito kakausap sa ibang babae

Kanya ring hiniling na huwag siyang kalimutan ng prinsipe

Pagdating sa Berbanya’y nagsaya ang lahat sa kanyang pagbabalik

Sinabi ni Donya Leonora ang katotohanan at kung bakit siya nagsinungaling

Tuluyang nalimutan ng prinsipe si Maria

Ito nama’y nalaman niya dahil sa kanyang mahika

Noong nalaman ni Maria Blangka ang lahat,

Siya ay tumungo sa Berbanya

Siya’y nagpaganda na’t lahat-lahat

Upang matigil ang kasalan nila Don Juan at Donya Leonora

Inutusan niya ang isang negrito at negrita

Upang tulungan siyang maibalik ang lahat sa alaala ni Don Juan

Hindi umuubra ang ginawa ng dalawa negrito

Dahil sa galit ay muntik niya nang basagin ang prasko

Bumalik sa alaala ng prinsipe si Maria

Nanghingi siya ng patawad sa dalaga

Kahit labag sa kalooban ni Donya Leonora,

Siya’y inihandog kay Don Pedro na sa kanya’y nagmamahal ng tunay

Nagpakasal na si Don Juan at Maria Blanca

Laking saya ng dalawa

Kanilang pinamunuan ang Reyno de los Cristal

At sina Don Pedro’t Donya Leonora naman sa Berbanya

*~*~*

Nakita ko lang na naka-save sa drafts ko. Bwehehe. THROW BACK!!

Unheard EchoesМесто, где живут истории. Откройте их для себя