Hindi kita kayang tingnan
Ako'y iyong kinasusuklaman
Kay bigat ng aking damdamin
Kay hirap namang isipin
Nakasakit ako ng damdamin ng tao
Sa gabi'y di makatulog
Hindi na ako makatulog ng maayos
Hindi ako makaramdam ng gutom
Ano na bang nangyayari sa akin?
Hindi ko maintindihan ang sarili
Sabi ng ibang tao,
Makakaya ko raw ito
Kung alam mo lang siguro
Baka sakali'y maintindihan mo ako
Hindi ko na iyon magagawa
Hayaan mo na lang akong magdusa
'Wag kang mag-alala, sanay na ako
Di lang ngayon nangyari ito
Na ako'y nanghihina at nanlilit
Makakaya ko 'to kahit ika'y galit sa akin
Alam kong darating ang panahon
Na lahat ng ito'y matatapos
Ako'y nagtitiwala sa Diyos
Na ako ri'y makakaraos
Ako na naman ang lumabas na masama
Kung alam lang nila ang katotohanan
*~*~*
I hurt someone so bad. I'm sorry. He was my 'kuya-kuyahan', my best friend. Now we're not what we used to be.
YOU ARE READING
Unheard Echoes
PoetryGenre: Poetry "Poetry is when an emotion has found its thought and the thought has found words." ~ Robert Frost