Hinarap ko sya habang tumutulo ang aking mga luha. Huminga naman ako ng malalim saka sya sinagot.

“Oo Zarex. Pinapayagan kitang manligaw sa akin. Hindi ko man lang naisip ito noon. Na hindi pala ako ang manliligaw dahil ako pala ang liligawan. Salamat dahil nakita mo kung anong meron sa puso ko at handa itong palitan ng ma higit pa.” sabi ko sa kanya. Nakita ko namang lumiwanag ang kanyang mga mata at parang isang batang tumayo at nagsisitalon pa.

“Yes! Tangina, salamat Khy. Hayaan mo, hindi kita bibiguin. Ibibigay ko lahat ng makakaya ko dahil alam kong deserve mo yun.” Pagkasabi nya nun ay kinuha nya ang ang kamay saka sinuot ang singsing. Napansin ko namang suot nya na rin pala ang isa pa.

Aba ang loko, inexpect na agad na sasagutin ang kayang tanong. Kumag talaga.

Bigla na lamang itong yumakap sa akin. Unti unti naman akong kinilig at the same time nahiya dahil nakalimutan ko nanamang nandito an gaming mga kaibigan na noo’y masayang masaya rin sa amin.

Napansin ko namang humihikbi na ang mokong habang nakayakap sa akin kaya’t binatukan ko sya. “Hoy, ba’t ka umiiyak eh sinagot ko naman na yung tanong mo?”

“Masaya lang ako Khy. Sobrang salamat talaga. Gusto kita, dati pa. Wala lang akong tapang na aminin yon. Ayokong sabihin na mahal kita ng wala pa akong napapatunayan kaya’t salamat dahil binigyan mo ako ng chance para patunayan yon.” Bulong nya sa akin. Napangiti na lang ako at yinakap rin sya pabalik.

End of Flasback

“Oy, anong kaartehan naman iyan, Khyron? Porket may manliligaw ka lang, todo emote ka na dyan.” Sigaw naman ni Lester para bumalik ako sa aking ulirat. Pansin kong nakatingin nap ala silang lahat sa akin kaya’t nilukuban nanaman ako ng hiya.

Nakatingin kasi ako sa singsing na binigay ni Zarex at hinahaplos haplos ito. Bakit ba? Eh masaya nga ako eh.

“Tingnan mo, namumula ka nanaman Khy. Hay nako, dapat masanay ka na. Dahil kapag sinagot mo na ako ay hahalikan pa kita sa public. Bahala ka.” Sabi naman ni Zarex sabay akbay sa akin na noon ay nasa tabi ko lang.

Nagulat na lang ako ng bigla nya akong dampihan ng halik sa pisngi. Kinilig ako kahit papaano pero nakakahiya pa rin. Shet ka Zarex.

Siniko ko naman sya matapos nyang gawin iyon.

“Aysus, pakunware ka pa Khy, gusto mo rin naman. Di na ako nagtataka kung nakagawa na kayo ng baby. Baka nga birthday gift rin sayo iyon ni Zarex?” biglang sabat naman ni Ford. Tangina. Nang-asar pa.

Natigilan naman ako sa kanyang sinabi dahil naalala ko nanaman ang nangyari noong gabing iyon. Inaamin kong naging birthday gift rin iyon sa akin ni kumag. Dahilan para mas lalong madagdagan ang kanyang kalibugan.

May nangyari nga sa amin noong gabing iyon. Hindi ko na sana sya papatulan dahil inaantok na ako noon pero bigla bigla syang naghubad ng saplot saka pumatong sa akin. Nawala ang antok ko ng bigla na syang gumalaw.

At dahil sa sobrang galling nyang magromansa ay nadala na rin ako. Nilukuban na rin ako ng matinding pananasa kaya naman naginit ang buong gabi namin. Wala namang pasukan ang nangyari. Naalala ko pa noong tinanong nya ako.

Flashback

“Ahh…shit!” nasabi ko na lang ng bigla nyang hinawakan ang aking pagkalalaki. Hinalikan nya ako sa labi at lumaban rin ako.

Maya maya ay bigla na lang itong nagtanong. “Khy, pwede na ba kitang pasukin? Sige na! Ahh shit! Libog na libog na ako.” Pagmamakaawa nya.

“Tangina mo! Ayoko nga! Tae ko pa nga lang masakit na, eh ano pa kung iyang saging mo ang pumasok? Masakit yun, iniisip ko pa lang. Gago ka, hindi ka na naawa sa akin.” Pagrereklamo ko.

“Hindi naman masakit yun. I’ll be gentle, pramis!” sabi nya pa. pero hindi ako natinag. Punyeta sya, ayoko. Nabasa ko dati na masakit yon kahit dahan dahanin mo pa at lalo na kapag first time.

“Heh. Magtigil ka nga dyan. Basta, ayoko.Tapos. Pinagbigyan na nga kita eh.” Sagot ko naman. Nalungkot naman ito bigla kaya naman hinalikan ko na lang ito ulit.

End of flashback

Kaya hindi nasuko ang bataan hahaha.

“Hahaha. Hindi pa no. Ano ka ba Ford? Isip mo talaga.” Plastic na tugon ko sa kanya. Eh kahit bespren ko yan ay nahihiya pa rin ako.

“Okay, sinabi mo eh.” Natatawang tugon nya.

Pagkalapag ng order namin ay nilantakan na agad namin ito. Gutom na gutom ang mga hayop kaya naman ilang minute pa lang ay ubos na agad namin ito.

Pagkatapos kumain ay nagkuwentuhan muna kami para bumaba an gaming kinain. Maya maya ay naramdaman kong puputok na ang aking pantog kaya naman nagpaalam akong magtungo sa banyo. Wala namang tao kaya’t agad akong nakaihi.

Pagkatapos maglabas ng likido ay naghugas muna ako ng kamay. Saktong pumasok naman si Ford na noon ay seryosong nakatingin lamang sa akin.

“Oh Ford. May problema ba?”nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Tol, sigurado ka ba sa mga ginagawa mo?” tanong nito pabalik.

“Ha? Ano bang ibig mong sabihin?” tugon ko naman. Lumapit naman ito sa akin.

“Na okay lang sayong magpaligaw kay Zarex. Alam mo, hindi naman ako nagseselos o kung ano pa man pero nag-aalala lamang ako sa iyo.”

“Oo naman. Matagal ko ng gusto si Zarex. Hindi ko lang ito maamin. May kaso ka ba dahil nagpaligaw ako sa kanya o baka naman iniisip mong bakla ako?” sagot ko naman.

“Wala akong kaso tol at wala rin sa akin kung straight ka man o hindi. Ang sa akin lang ay dapat magiingat ka. Dahil sa panahon ngayon, marami na ang nasasaktan. Matuto kang magdesisyon ng mabuti para hindi ka masaktan sa dulo at umuwing luhaan. Wag kang masyadong nagtitiwala at magtira ka ng pagmamahal sa sarili mo. Kaibigan kita tol, magbestfriend na tayo simula pa lang high school kaya’t nag-aalala lang ako sayo. Ayoko lang na baka sa dulo ay ikaw lamang ang uuwing luhaan.” Pageexplain naman nya. Natutuwa naman ako may kaibigan akong magaruga.

“Walang mangyayaring masama tol. Hayaan mong ipakita namin na masaya kami sa isa’t isa. Saka isa pa ay mabuting tao naman si Zarex kaya nagtitiwala ako sa kanya. Salamat sayo tol dahil iniisip mo rin pala ang kalagayan ko at salamat na tanggap mo rin kung ano ako. Okay lang sa aking tawaging bakla dahil wala naman akong sinasagasaang tao.” Nakangiting tugon ko naman sa kanya.

“Basta kapag may nangyaring masama sa iyo ay huwag kang magatubiling pumunta sa akin at makipag usap. Nandito lang ako tol.” Nakangiting sagot nya rin.

“Tangina, nakakabakla ka tol ah.” Sabi ko kaya naman nagtawanan na lang kami.

Masaya ako na andyan si Ford para sa akin. Panatag ako na mayroon akong kaibigang katulad nya. Magkasama na kami mula pagkabata kaya naman parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Nagpapasalamat ako na sya ang aking best friend at kasama nya at ng aking iba pang barkada, haharapin namin ng sama sama ang hamon ng buhay.

Itutuloy…

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon