Hello guys! As promised, pangatlong UD ko ngayong araw hihi. Salamat at enjoy reading!
--------
~=Khyron=~
“Ano ba naman yan! Napakawalang kwenta mo namang maglaro!” bulyaw ko kay kumag habang nakahiga kaming dalawa sa kama. Naglalaro kasi kami ng basketball sa messenger at napakawalang kwenta nya. Hindi man lang makalagpas ng 3 ang score. Punyeta.
Nagpapataasan kasi kami ng scores ng barkada sa GC namin. Kapag wala na kaming pinaguusapan ay ito na lang an gaming ginagawa. Kung sino kasi ang may pinakamababang score ay manlilibre sa pagkikita ulit ng barkada.
Eh ito ngang si Zarex ay napaka! Nakakabuwisit lang yung kamangmangan nya sa larong ito. Tangina, kanina nya pa binibeat yung high score nyang four. Sya tuloy may pinakamababang score.
“Oh! Yabang mo eh noh? Sige nga ikaw. Pag iyan pumalpak, rereypin talaga kita.” Pagbabanta pa ng mokong.
“Hahahaha! Ako ba ang tinatakot mo ulol? Eh sino baa ng legend sa ganitong laro? Watch and learn na lang kasi, gago.” Pang-aasar ko pa sabay ngisi.
Kinuha ko ang phone ko sabay punta sa messenger at naglaro. Ilang Segundo pa lang ay naka bente na ako agad. Ilang minute pa ang lumipas at naka 56 na ako. Sinulyapan ko naman ang gago at yun, manghang mangha lang. Para tuloy syang timang na nakatingin lang sa cellphone ko at nakanganga pa.
Konting Segundo pa ay hindi ko nashoot ang isang bola dahil na rin sa hirap ng level. Kaya naman nagstop ako sa 62. Hinarap ko naman ang mokong at napalunok lang ito.
“See? Legend ako dito lol. Walang makakatalo sa akin dito. Oh, tingnan mo. Nabeat ko pa yung highscore ko dati na 59 hahaha!” pangaalaska ko pa.
“Grabe! Ako nga hindi maka four eh, ikaw naka 62 pa? tangina ka tol, pano mo nagawa yon!?” hindi makapaniwalang sigaw nya sa akin.
“Ganito kasi yon Zarex. Sa paglalaro ng ganitong mga laro na kailangan ng concentration ay dapat hindi ka nanginginig dahil konting kibot lang ay mag-iiba na ang direksyon ng bola. Focus ka lang kumbaga. Parang sa pagmamahal, dapat nakafocus ka lang sa isang bagay dahil kahit konting pagkakamali lamang ay malalamatan na ang relasyon ninyo at mas malala ay baka masira pa ito. Kaya kung ako sayo, tigil tigilan mo na ang pagjajakol dahil nakakanginig lang yon ng kalamnan.” Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Nakikinig lang ito sa akin at maya maya ay nagsalita na rin. “Hoy, hindi naman na ako ngayon nagjajakol dahil sapat na sa akin na isubo mo tong pagkalalaki ko.” Sabi nya sabay turo pa sa kanyang bukol. Gago talaga.
“Tarantado ka. Tumigil ka nga! Nakakadiri ka. Eww!” sabi ko pa sa kanya with matching expression para mas dama.
“Aysus! Maka eww ka dyan pero para ka namang batang binigyan ng lollipop kung isubo ito. Wag ako Khy ah, kung alam ko lang. Sarap na sarap ka rin kaya. Wag mo nang ideny.” Depensa naman nito. Ako naman ay namula lang dahil sa sinabi nito.
“Ulol! Dun ka nga!” sigaw ko sabay tadyak sa kanya. Tiningnan ko naman ulit ang GC namin at nakita kong ako pa rin pala ang pinakamataas. Hahaha! Bitches.
62 ang sa akin, sumunod naman si RJ na may 37, tapos si Blake na may 30, then si Drei na may 25, tapos si Lester na may 19, si Ford naman ay may 17, si Zarah ay may 12 at si kumag na 3. Puta, nahiya naman ako sa tres nya hahaha!
Sa buong maghapon ay ganon na lang aming ginagawa. Facebook dito, chat dyan. Minsan ay bumibisita rin ako sa Twitter, Instagram, at maging sa Wattpad. Tinitingnan ko kung may update na si blackfoxsenpai.
Nasa Christmas break pa rin kami at natapos na rin ang aming mga Gawain na ibinigay ng mga punyetang profs na wala man lang awa sa kanilang mga estudyante. Tangina!
YOU ARE READING
It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)
HumorAng buhay ng tao ay parang byahe sa bus. Minsan payapa ang byahe, minsan may nadadaanang lubak, minsan may sumasakay sa iyong byahe, minsan may papara pero di naman pala tutuloy, minsan nasisiraan at kailangang ayusin sa daan, minsan kailangang mags...
![It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)](https://img.wattpad.com/cover/62201390-64-k434597.jpg)