15: Parang Tayo na Hindi.

975 21 9
                                    

So balik tayo sa aking natigilang chapter, and because of public demands, heto na ang bagong chapter sa buhay ni Khyron at Zarex! Yehey. Dami talaga nagrequest sa update eh. Qiqil si acoeh! Charot! Anyways, happy reading.

=============

~Khyron~

"Eto pa oh, tingnan mo tol. Sabi nitong nagcomment 'Grabe!! Hindi ko kinaya yung hotness ni Khyron Reyes! Pashout out po sa kanya! Crush na crush po talaga kita. Sana mapansin mo po ako kahit minsan.!' Sikat ka na talaga tol! Unexpected kasi eh." Bungad ni kumag habang nag-aaral ako ng algorithms namin.

"Tigilan mo nga yan! Ulol ka talaga. Alam mo namang ayoko ng masyadong humahakot ng fame at kasikatan eh. Tsaka, dun ka nga! Nag aaral ako eh." Pagtaboy ko sa kanya. Actually, totoo talaga yun. Ayoko ng masyadong pafame o yung masyadong humahakot ng kasikatan.

"Grabe ka naman tol. Ganyan ka na talaga porket sumikat ka na. Sige ganyanan pala ah. Sige lang! Wag mo lang akong pansinin." Kunya-kunyareng tampo naman ang loko. Kala mo kinacute nya yun.

Tumayo naman na ito saka umupo sa ibang tabi. Malungkot. Oo, malungkot talaga. Ewan ko ba dyan, sobrang drama. Di lang pinansin eh.

Maya maya ay hindi na talaga ako nakatiis kaya't tinawag ko na sya.

"Huy! Humarap ka na nga dito!" Pagtawag ko kay kumag.

Hindi naman nya ako pinasin sa halip ay tumakikod pa ito sa akin.

Aba! Mukhang may lahing pabebe rin pala itong si mokong. Masyadong palambing ang gusto!

Lumapit na ako sa kanya ng dahan dahan. Hindi nya naman ako napansin.

"Arekkup!" Sigaw nito ng dumampi sa kanyang batok matigas kong kamao. "Ano nanaman ba ang inaarte mo dyan ha?" Tanong ko sa kanya.

Aba't ang gago, hindi ako sinagot. Nyetang to ah. Nakatayo lang ako dun sa likod nya. Mga ilang minuto rin yun.

Sya naman ay nagbrobrowse kuno sa facebook nya. Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi na ako nakatiis at kinausap ko ulit sya.

"Oy, kakausapin mo ako o kakausapin mo ako? Problema mo?"

Humarap naman ito sa akin saka tumayo. "Alam mo kasi, nakakainis ka. Porket pinupuri lang kita eh." Sambit nito sa harapan ko.

Natawa naman ako sa kapabebehan nito. Alam nyo yung seryosong seryoso sya with matching medyo-tense na atmosphere tapos babasagin mo lang ng tawa.

"Hahaha. Kung ako nakakainis, ikaw sooooooobrang pabebe. Halika nga rito." Ewan ko kung bakit pero natuwa lang ako sa kanya dahilan para bigyan ko sya ng yakap.

"Heh! Kainis to. Dinadaan mo pa ako sa yakap mo ah. Dun ka na! Sige na! Mag-aral ka na. Mapagaralan mo rin sana kung paano makapa-appreciate ng feelings ko." Kunyare pa nito pero niyakap din lang pala ako pabalik.

"Wait what? Ano uli yung last line?" Pagclaclarify ko sa kanya sabay bitaw ng yakap. Masarap talaga sa feeling kayakap itong kumag na to. Bango bango pa.

"Wala! Hindi mo rin naman pala narinig. Ahh! Nevermind."

"Alam mo, arte arte mo. Di ka na nga pabebe, maarti ka rin noh? Halikan kita dyan eh." Sabi ko nakapagpatigil sa kanya.

"Asus. Ikaw nga dyan keyabang yabang. Sige nga! Di mo naman gagawin yang sinasabi mo eh." Panunukso nya sa akin kahit alam ko na gusto nya rin namang halikan ko sya. Arte talaga.

"Okay, sabi mo eh." Hinili ko ang damit nito saka ko sya hinalikan ng mga ten seconds.

Pansin ko namang nabigla ito at natulala pa ng ilang saglit.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now