20: Surpresa

492 11 0
                                    

~=Khyron=~

Dumaan pa ang mga araw ay ganun pa rin ang samahan namin ni mokong. Sumobra pa nga eh.

Tatlong araw lang dito sa Maynila sila mama. Sakto nga at sembreak. At dahil nga sembreak ay namasyal kami sa iba't ibang lugar dito sa Maynila.

Syempre ay sinama rin namin itong si Zarex. Eh nagugustuhan na nila mama ang kalooban nitong kumag na to. Sobrang bulaklak pa man din ng dila.

Sa tatlong araw ay namasyal lamang kami. Mabuti na lang din kung ganon, dahil nakakaboring rin naman sa boarding house.

Nandyan yun pumunta kami sa mga malls at nagshopping na rin. Maraming pinamili sila mama dahil maraming nga bagay dito na hindi nakikita sa mga malls sa Cabanatuan. 

Si Khyle rin ay namamangha sa dami ng mga sale. Lalo na at gustong gusto nya si Totoro. Favorite nya kasi yun simula pa nung mga bata pa kami. Naalala ko nga nung 5 years old sya ay nagwala ito sa isang mall dahil hindi sya binilhan ng totoro na stuffed toy. At dahil nga bata ay pinagbigyan na rin nila mama.

Spoiled nga yan. Makikita mo sa kwarto nya ang kanyang mga collection ng mga laruan. Nandyan yung mga Voltes V, Gundam 00, Yugi-oh, Bakugan, Doraemon, Pokemon, Digimon at pinakamarami ay ang Totoro collectibles.  Ang kanyang kwarto nga ay nagmistulang toy shop na.

At dahil nga nasa malaking mall kami ay pinakyaw na nito ang iba't ibang Totoro merchandise. May mga keychain, bag, coin purse,  stuffed toy, at kung ano ano pa.

Si papa naman ay nahilig sa electronics at appliances. Nagtataka nga ako kung bakit sila bumili ng TV eh may 42 inches naman kaming flatscreen sa bahay. Ang sabi nya ay para sa amin daw iyon, sa kwarto, para naman daw may libangan kaming dalawa. Eh Probinsyano lang rin naman ang naabutan naming palabas. Di naman kami mahilig doon ni Zarex.

Nawili silang magshopping samantalang kami naman ni Zarex ay hinayaan lang nilang maglakwatsa sa arcade. Nakakabuwiset nga lang itong si kumag dahil gusto nya itry lahat ng games doon. Nakakapagod kaya.

Dahil nga hyper itong si mokong ay nakakakuha kami ng 1200 tickets. Sapat na para ipagpalit nya sa kuwintas na hugis pakpak ng anghel. Nkakatuwa dahil binigay nya ito sa akin at linagay sa aking leeg.

"Ingatan mo yan tol ah. Wag mong iwawala yan. Sayo na lang yan para di mo ko mamiss. Saka para maalala mo palagi na kahit saan ka man liparin ng iyong pangarap ay magsisilbi naman akong pakpak mo para dalhin ka sa mga pangarap na yon. Sana ay pangarap mo rin na makasama ako." Sambit nito pagkatapos isabit sa akin ang naturang kuwintas.

"Wow. Salamat tol. Hayaan mo, kasama ka naman sa mga pangarap ko. At hinding hindi mawawala yon. Basta siguraduhin mo lang na kapag ako ay nahulog, ikaw rin ang sasalo." Seryoso ko namang tugon sa kanya.

"Asahan mong sasaluhin kita." Sagot naman nya. Nangiti na lang ako sa mga pinagsasabi nya.

Nagdadate rin kami ni Zarex.  Although, date nga ba talaga? O ako lang ang nagiisip nun? Basta alam kong date yun.

Pumunta kami sa isang cafe and restobar na halos walang tao dahil may kamahalan ang presyo ng inumin. Pero okay lang dahil mahal rin naman namin ang isa't isa.

Pagkatapos magmall ay nagpunta pa kami sa ibang lugar katulad ng museums, ocean park, zoo, mga parke at kung ano ano pa. Natutuwa naman ako dahil masaya ang aking pamilya sa pamamasyal at masaya rin ako dahil nandun rin si kumag.

Paglipas ng ilang araw pa ay umuwi na rin sila mama pabalik sa Cabanatuan. Patapos na rin kasi ang sembreak at Undas na. Kailangan na ring bisitahin nila mama sila lolo at lola na namayapa na. Hindi ako makakasama dahil may pasok na kami.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now