Uwian na. diretso na ko sa restaurant. Wala na akong time para umuwi pa. kaya diretso na talaga ..
“ALEXIA!” napahinto ako at nakita ko si oliver patakbo sakin.
“BUKAS AH! MGA 11am. IINTAYIN KITA SA PLAYGROUND”
Umalis na sya pagka-sabi nya non.
‘BUKAS AH! MGA 11am. IINTAYIN KITA SA PLAYGROUND’ Nasabi ko sa sarili ko.
Buong araw yan ang nasa utak ko. kahit sa trabaho yun ang iniisip ko. hanggang sa nakauwi ako yun padin ang nasa isip ko. e sige ikaw nga bigla kang yayain di ka ba mapapaisip kung bakit ikaw? Isa pa hindi naman kami masyadong close non.
Ay buhay talaga .. Ang gulo ..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SABADO- SATURDAY!
“IKAW LANG GUSTO KONG MAKASAMA BUKAS. KAHIT ANONG MANGYARI. AANTAYIN KITA SA PLAYGROUND OKAY”
“BUKAS AH! MGA 11am. IINTAYIN KITA SA PLAYGROUND”
Okay . pag-gising ko palang yan na kagad ang nasa isip ko. tsk!
Ayoko naman na paghintayin sya sa playground. Kung sasama naman ako nakakahiya naman. Tsk ! e ano ba dapat kung piliin? Sasama ba ako o hindi!?
“TOSS COIN NA NGA LANG !”
Nakakainis mamili! Tsk >.< bahala na si DANIEL! Este si BATMAN!
“Akala ko hindi ka na darating..”
“Ah. Inisip ko kasi baka talagang maghintay ka.. kaya wala akong magawa”
“Halika na!”
Oo. Pumunta ako. Naisip ko kasing ang kapal ng mukha ko para pag-intayin sya kaya ayon, pumunta ako.
Sumakay na kami ng Jeep. Hindi naman masyadong malayo ang mall samin pero mas maganda talagang magjeep kasi kung lalakarin mo mula playground hanggang sa mall. Mahabang lakaran yon. Natry ko kasi dati nagmall ako, tapos naubos yung pamasahe ko pauwi .. edi ayon walktrip ang eksena ko. ang kinaganda nga non eh. umulan tapos wala pakong dalang payong! Edi BASANG SISIW ang DRAMA ko nun. Kaya yun ang most unforgettable moment ko (=.
Nung nakarating na kami sa mall. Baba na ako ng jeep. Kaso pinigilan nya ako..
“Bakit?”
“Mauuna dapat ang lalaki sa pagbaba ng jeep..” diba ladies first?
Pagka baba nya bigla nyang hinawakan yung kamay ko nung pababa na ako ng jeep.
“Mauuna dapat ang lalaki sa pagbaba ng jeep .. Para maalalayan nya ang babae sa pagbaba ng jeep” nakangiti nyang sabi ..
Hanggang sa makapasok kami ng mall. Hindi nya padin binibitawan yung kamay ko. grabe yung tibok ng puso ko .. ang bilis ng tibok! Ngayon lang ako nakaramdam to. Sobrang kakaiba .. ang sarap sa pakiramdam ..
“Oliver..” huminto ako kaya huminto din sya ..
“Bakit?”
“Ah. Ano bang gagawin mo dito, tsaka anong purpose ko dito?”
”Samahan mo ko mangolekta ng kasiyahan ..” nakangiti nyang sabi ..
Ano daw? Mangolekta ng kasiyahan .. ayos lang ba sya?
“Huh?”
“Basta sama ka lang..” tapos hinila na nya ako papuntang foodcourt.
“Lunch muna dapat tayo, para madami tayong energy para mamaya”
Tapos pumunta na sya sa may counter .. ilang minuto lang bumalik na sya..
“1o mins. Lang daw isserve na daw yung food” sabi nya.
“Okay ..”
“Ah alexia. San ka nga pala nakatira?”
“Dyan lang malapit lang don.”
“Saang dyan na malapit lang don?”
“Ah basta ..”
“San nga?”
“Ah. Malayo yun. Panigurado hindi mo alam.”
“Malay mo alam ko. saan nga?” hindi halatang makulit sya noh? Tsk >.< nahihiya pa naman akong sabihin sa ‘SUATTERS AREA AKO NAKATIRA’ baka sabihin nagpapa.awa ako masyado ..
“Oh, ayan na yung food oh.” Turo ko don sa waiter.
Kumain na kami ng inorder nya .. naubos din namin kagad kaya ayon .. mangongolekta na daw kami ng kasiyahan.. bahala sya dyan mangolekta ng kasiyahan nya .. basta ako munting taga sunod nya .
Pumasok kami sa loob ng GAMEWORKS. Tapos pumila sya sa bilihan ng ticket para sa mini roller coaster. Meron kasi non sa loob ng gameworks. Yun din ang dahilan kung bakit madaming dumadayo dito sa mall na to.
“Halika na ..”
“Sige intayin kita dito sa baba”
“Dalawa yung ticket na binili ko oh”
“Ibalik mo nalang ulit yung isa..”
“Hindi na pwede yon.. halika na nga” sabay hila nya sakin papuntang mini roller coaster..
Sumakay na kami ng mini roller coaster. Actually first time kong makasakay dito. Kaya medyo ayokong sumakay kaso mapilit tong isa .. tsk >.<
“Natatakot ka ba?” nakangiting tanong nya ..
“Hindi no ? bakit ikaw?” Oo takot na takot ako .. mamaya mahulog ako ng di oras. Sayang yung mga pangarap ko sa buhay..
“Hindi, sanay na ako dito eh.” tapos bigla nyang hinawakan yung kamay ko.
“Pero halata sa mukha mong natatakot ka, wag kang mag-alala di kita bibitawan okay”
Bumilis na naman yung tibok ng puso ko. nakakainis.. feeling ko abnormal na yung puso ko bigla na lang titibok ng mabilis. Tapos ayon nga umandar na yung mini roller coaster ..
“Muntik ng mabali yung kamay ko sayo. Eto tubig oh.”
Natapos din ang mini roller coaster scene. Kaya ayun nahilo ako ng di oras.
“E sino ba satin dalawa ang unang humawak sa kamay ko.”
Nasobrahan ata yung hawak ko sa kanya sa sobrang takot kanina .. kasalanan naman din nya yun.
“Halika ..” hinawakan nya ulit yung kamay ko.
“Saan?” palabas na kasi ng mall yung dinadaanan namin.
“Sa lugar na hindi mo alam ..” Luh? Ano daw? Saan nya ako dadalhin?
“Ikaw na lang.. intayin na lang kita dito.”
“Hindi pwede. Kasama kita mangolekta ng kasiyahan.”
Nakalabas na kami ng mall tapos sumakay kami sa isang kotse.
“Ang tagal nyo naman pre.” sabi nung lalaking nasa driver seat.
“ganon talaga pre.” sagot ni oliver.
“Saan ba tayo pupunta ha? Tsaka sino sya?” turo ko don sa lalaki.
“kahit saan. Kaibigan ko nga pala si Cav.”
Cav. pala name nun. Kaano-ano nya si yellow cab? hehehe.
BY: TRYNEWTHINGS (JEANNE)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
THAT NERD (ON HOLD)
FanfictionWritten By: TRYNEWTHINGS :) ~ Ang storya ni MARGA ALEXIA VILLAGRACIA Ito ay tungkol sa isang girl na nawalan ng pamilya at dahil sa bestfriend nya kaya sya nagkaroon ng pag-asa Hindi madaling mawalan ng pamilya lalo na kung wala ka ng makakasama pa...
CHAPTER 3 ~
Start from the beginning
