“Wait”

“Baket?”

“Bakit maliwanag ang buwan eh, araw pa !”  sabay turo namin sa araw.

“Edi ganito.. tagu-taguan maliwanag ang ARAW. Pag bilang ko ng sampu naka tago na kayo .. Isa.. Dalawa .. tatlo .. “

Nung nagsimula ng magbilang .. nagtaguan na kagad kami isa-isa sa kung saang sulok ng school. Nasa field kasi kami ngayon. Kahit saan pwede ka magtago. Kaya goodluck talaga ang taya sa paghahanap sa buong Field. XDDD

Napadpad ako sa botanical garden ng school. Medyo mapuno kasi don kaya don magandang magtago ..

Nakita ko na si stephanie. Sya kasi yung taya ..  hinahanap na nya kami .. kaya tumakbo pa ako ng tumakbo sa loob ng botanical garden ..

Pero biglang may humila sakin sa likod at tinakpan kagad yung bibig ko ..

“Wag kang sumigaw .. bibitawan kita okay?”

Hindi ako sumigaw kaya tinanggal na nya yung pagkatakip sa bibig ko .

“Oliver?”

Ngumiti lang sya sakin.

“Ba’t andito ka ?” nakayuko kong tanong ..

“Wala natambay lang, wala kasing klase eh.”

“Ah. Okay.”

“Alexia. Pwede mo ba akong samahan bukas?”

“Saan?” napatingin ako sa kanya non.

“Sa mall ..” OMG. Bakit ba to nangyayari sakin? May kapalit ba to pagdating sa huli?

”Sorry. Wala akong pera para bukas.” Kailangan kong magpakatotoo kahit gusto kong sumama. Yung naipon ko kasing pera ngayon pang bayad ko ng renta ng bahay. Kaya kailangan magtipid ng bongga.

“Hindi. Sagot ko lahat.”

“Sorry talaga. Iba nalang yayain mo ah.” Sabay talikod ko para bumalik na sa field. Alam kong may nataya na .. kaya wala ng silbi ang mahabang pagtatago ko.

“IKAW LANG GUSTO KONG MAKASAMA BUKAS. KAHIT ANONG MANGYARI. AANTAYIN KITA SA PLAYGROUND OKAY”

Lumingon ako sa kanya at naka ngiting tagumpay sya non.        

 -----------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Hoy. Alexia! Saan ka ba nagtago? Kanina ka pa namin hinahanap.” Tanong ng mga kaklase ko.

“Dyan lang.. sa botanical garden”

“Kaya pala mahirap kang hanapin eh. sige pahinga muna tayo!”

Nagpahinga na kami. Hindi naman masyado napagod yung katawan ko. yung utak ko lang ang mas napagod ng sobra ..

 “IKAW LANG GUSTO KONG MAKASAMA BUKAS. KAHIT ANONG MANGYARI. AANTAYIN KITA SA PLAYGROUND OKAY”

“IKAW LANG GUSTO KONG MAKASAMA BUKAS. KAHIT ANONG MANGYARI. AANTAYIN KITA SA PLAYGROUND OKAY”

“IKAW LANG GUSTO KONG MAKASAMA BUKAS. KAHIT ANONG MANGYARI. AANTAYIN KITA SA PLAYGROUND OKAY”

“IKAW LANG GUSTO KONG MAKASAMA BUKAS. KAHIT ANONG MANGYARI. AANTAYIN KITA SA PLAYGROUND OKAY”

“IKAW LANG GUSTO KONG MAKASAMA BUKAS. KAHIT ANONG MANGYARI. AANTAYIN KITA SA PLAYGROUND OKAY”

Paulit-ulit yan sa utak ko. bakit ako? Bakit ako ang gusto nyang makasama bukas? Ang dami nyang pwedeng isama sa mall. Bakit ako? Hay buhay bakit ako ..

THAT NERD (ON HOLD)Where stories live. Discover now