Chapter 4: Graham

Start from the beginning
                                    

"Wag nalang natin pagusapan." Umupo na kami ni Mishka at nagsimula ng kumain.

"Hey, sorry nalate ako!" Sabi ni Yuu na kadadating lang na may dalang pagkain at umupo siya sa tabi ko

"May tatanong ako sainyong dalawa" panimula ko.

"Ano yun?" Mishka

"Wala ba kayong ibang kaibigan kaya ako sinasamahan niyo?"

"Kaibigan ?... wala ako nun, sayo lang ako mabait kase nga nung una palang kita nakita alam ko na mabait ka, nilalayuan kase ako ng mga tao kase masungit daw ako kaya yun pinabayaan ko na, bahala sila sa buhay nila" sabi ni Mishka at kumagat ng burger.

"Di ka naman masungit eh ang bait mo kaya"

"Sayo lang" ngumiti ako sakanya

"Ikaw Yuu?"

"Hmm... most of the time nasa student council ako, bihira lang ako kumain dito pag lunch then pag vacant lagi akong nasa office. And besides wala akong kasundo sa ibang member ng student council except kay Mishka, i heard na they find me scary"

"Scary?... di ka naman mukhang zombie ah?"

"Hay nako Pia alam mo ba, tuwing nagagalit yan nagiiba yung aura kaya maraming natatakot diyan... too bad di niya ako natatakot"

"Talaga" bigla akong napaurong nung narinig ko yung boses ni Yuu na parang galing sa ilalim ng lupa tapos yung aura niya nagiba. Kaya pala scary siya!.

"Yikes? Matatakot na ba ako?" sabi ni Mishka at iniralan niya si Yuu.

"Hahaha. Sabi ko nga di gagana"

"Tse!"

Napangiti ako, sa totoo lang they are the first friends that i've ever made. Sa dati kong school maraming galit sakin. Pati mga lalake galit sakin kase nga naiirita sila sakin, masyado daw kase akong masayahin nakakairita na... simula pa nung mangyari 'yun' mas lalo pang dumami ang nangbully sakin, may marka parin sakin yung ginawa nila, pero bakit ganun hindi ko magawang magalit ng sobra in to the point na gugustuhin kong ibalik sakanila lahat ng ginawa nila sakin.

Hindi siguro ako yung tipo ng tao na magtatanim ng sama ng loob chaca isa pa di naman ako masasaktan sa ginagawa nila dahil di ko naman sila kamaganak eh diba ? Masasaktan lang naman ako pag sariling kadugo ko o sarilig kaibigan ko ang gumawa sakin nun.

"Pia ? Okay ka lang?" Napatingin ako sa kanilang dalawa, i guess i was lost in my toughts.

"Sorry, i spaced out" sabi ko then i smile sweetly. Biglang nagbago yung mukha ni Yuu.

"Marry me !! Ay este, okay kana ba ?" Sabi ni Yuu

"Ahh? oo naman! Okay na okay!" I said with a thumbs up.

"Oi tignan niyo oh kasama nanaman ng plastic na tinubuan ng katawan yung mga kuya mo oh. Tss" Turo ni Mishka dun sa isang table.

Nagtatawanan sila, tapos inaabutan pa ni kuya Jay ng pagkain si Jessica, talagang close nga sila noh ?

"Wow! Balang araw makakasama din ako jan sa table nila!" I confidently said.

"Galingan mo! Sinugin mo yung plastic na yun" Sabi ni Mishka at tinap yung balikt ko

"Aye!!!"

-----

Nandito ako ngayon sa bahay, sa may kusina infact kausap ko yung mga yaya, sila kuya kase umalis may kanya kanyang lakad. Dahil nakakabored sa may kwarto ko

"Anong oras po ba uuwi sila momny?"

"Uuwi din ang mga yun, maaga sila ngayon baka mga 7"

"Ahh!. Ay yaya Bett! Alam niyo po ba may kaibigan na po ako sa school, parehas po silang kabilang sa student council"  sabi ko with matching gestures.

MY 7 STEP BROTHERS [COMPLETE]Where stories live. Discover now