Chapter 47 : Accident

4.6K 73 6
                                    

Iplay nyo ang kantang 'to para dama ang chapter na 'to...

...


<Kresh POV>...


Napaka daming nangyari sa araw na 'to pagod na ang aking emosyon at katawan. 'Di ko parin matanggap ang pagkawala ni Kasper mamimiss ko siya kahit di ko pa naman lubos na kilala ang lalaking 'yon. Kung hindi niya ginawa ang magsakripisyo baka patay na kaming dalawa ni Zebren ngayon.


Nakasakay na kami ng kotse pauwi sa kanilang mansyon. 'Di na kami pumunta ng hospital dahil may sarili naman daw silang doctor. Malakas ang buhos ng ulan at madulas ang daan siguro dinadamayan ng ulan ang pagkawala ni Kasper.


"Masakit ba ang mga pasa at sugat mo ?" Tanong sa akin ni Zebren habang nagmamaneho.


"Hindi naman... Malayo 'to sa bituka"


Naisip ko bigla si Jane nakatakas siya kanina at sure ako na babalikan niya kami. 'Di titigil ang babaeng 'yon hanggang di kami mapatay.


"About nga pala kay Jane ?" Tanong ko.


"Don't worry pinapahanap ko na siya sa mga pulis ngayon kaya stay chill and relax" Nakangiting sabi niya.


Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya ang daming sugat ni Zebren sa braso at pasa sa mukha. Nakaka-awa naman ang kalagayan namin ngayon para kaming pulubi sa daan.


Habang umaandar ang kotse nakatingin ako sa bintana ng kotse at pinagmamasdan ang buhos ng ulan sa kapaligiran. Ang buhay ng tao ay parang isang bagyo kung may unos may bahag haring darating simbolo ng bagong simula at pag-asa.


"F*ck bakit ngayon pa !" Sigaw niya.


Napatingin ako kay Zebren sa kanyang sinabi nakita ko sa side mirror na may sumusunod sa amin. Tinitigan kong mabuti kong sino ang driver ng kotse laking gulat ko na si Jane pala habang may dalang baril.


Kinuha niya ang kanyang phone at tumuwag sa police station...


"Hello sir ! Nandito yung suspect naka sunod sa amin. We need your back up immediately".


Pinatay na niya ang kanyang phone at binilisan ang pagpapatakbo. Kinakabahan ako sa posibleng mangyari ngayon sabi na tama ang hinala ko 'di talaga titigil ang babaeng 'to hanggat 'di niya kami napapatay nababaliw na siya.


"Kumapit ka ng mabuti !" Sabi niya.


Inayos ko ang aking pagkakaupo at hinigpitan ang kapit dahil baka kapag nagpreno si Zebren tumilapon na lang ako bigla. Nakasunod parin sa amin si Jane inilabas niya ang kanyang baril sa binta ng kotse at pinagbabaril kami.

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon