Chapter 16 : Revenge

5.3K 119 0
                                    

Natapos na ang klase kaya excited na ako sa mangyayari ngayon. Mabilis kaming lumabas ng klase kasama sila Chelsey at Natasha. Gagawin na namin ang plano.

"So ano ang una nating gagawin ?" Tanong ni Chelsey.

"Hmm... Alam ko na oplan buhusan ng ihi sila Syndra" Sagot ko.

"What ! seryoso ba yan ? Kala ko nagbibiro ka lang Kresh" Sabi ni Natasha.

"Oo Natasha, kaya ikaw wala kang gagawin kumain kana sa canteen at susunod kami ni Chelsey" Sabi ko sa kanya.

Tumango siya sa sinabi ko, mabilis siyang na wala sa aking paningin kaya nag madali akong hatakin si Chelsey papuntang clinic.

"Anong gagawin natin sa clinic ?"

"Edi kukuha ng ihi... Gagamitin natin ang urine test na nasa lalagyan"

"Wala kana bang ibang plano ? nakakadiri kaya" Naka busangot na sabi ni Chelsey.

Nasa tapat na kami ng clinic kaya nag isip ako ng plano kung paano makaka kuha ng urine test na nasa lalagyan.

"Umarte ka na masakit ang sikmura mo tapos ako papasok sa loob ng clinic para makuha ko ang urine test"

Tumango si Chelsey at sinimulan na niya ang pang best actress acting niya. Sumunod ako na pumasok sa clinic at nakita ko na effective ang acting skills ni Chelsey kaya mabilis kong kinuha ang urine test na naka lagay sa lalagyan.

Mabilis akong lumabas ng clinic nang hindi napapansin ng mga nurse na nagbabantay sa clinic. Lumipas ang ilang minuto lumabas na din si Chelsey.

"Grabe ! napaka galing ko talaga umarte, bihira mo na niwala sila sa arte ko... Nakuha mo ba ?"

"Oo naman, ako pa ba Chelsey ?"

Dahil may lalagyan naman ang ihi na dala namin isasaboy ko na lang 'to kala Syndra habang umiihi sila sa cubicle. Tingnan natin kung makakangiti pa kayo Spice Girls.

Hinahanap namin ang Spice Girls dahil kailangan namin silang manmanan kung saan sila pupunta.

"Kresh ! Ayun sila sa loob ng canteen" Turo ni Chelsey sa pwesto nila Syndra.

"Need muna natin silang sundan at kapag naisipan nilang mag cr isasaboy natin sa kanila ang ihi"

Actually yung ihi na dala namin galing sa clinic naka lagay na sa cr ng girls para anytime madali siyang makuha.

"Dahil nasa canteen na din tayo halina't kumain dahil gutom na ang alaga ko" Sabi ko.

"Wait ! Ayun si Natasha doon tayo umupo sa tabi niya" Sabi ni Chelsey.

Bumili ako ng isang kanin at beef steak, si Chelsey naman ay dalawang kanin at adobo. Tumabi kami sa pwesto ni Natasha dahil gutom na kaming dalawa.

"Kamusta ? Nagawa nyo na ba ang plano niyo ?" Tanong ni Natasha.

"Actually hindi pa kasi nandito ang Spice Girls sa canteen" Sagot ni Chelsey.

"Kung ano ang balak nyo support ako" Masayang sabi ni Natasha

Walang nag sasalita sa aming tatlo habang kumakain dahil pare-parehas kaming gutom. Kinalabit ako ni Chelsey kaya napatingin ako sa kanya habang kumakain.

"Ano ? Kumakain pa ako !"

"Gaga ka ! Palabas na ng canteen sila Syndra"

Mabilis kaming tumayo at sinundan namin sila para kaming tanga na nagtatago para lang hind kami makita.

"Ano ba 'tong ginagawa natin, mukha tayong mga timang" Sabi ni Natasha.

Ay nako timang na kung timang bahala sila, ang mahalaga magawa ko ang gagawin ko sa tatlong impakta na 'yon.

Mabilis silang lumiko sa hallway kaya naman mas binilisan namin ang paglalakad. Pagliko namin sa hallway nawala sila na parang bula.

"Hala ! saan sila pumunta ?" Tanong ni Chelsey.

"Ang bilis naman nila... Baka lumipad sila gamit ang mga pakpak nila" Natatawang sabi ni Natasha.

"Bilisan natin ! Nandito pa sila hindi pa nakakalayo ang mga impakta" Sabi ko.

Hinahanap namin sila sa buong hallway pero wala talaga sila. Pumunta kami sa Open Field ng Werdomz Academy baka sakaling nandoom sila.

Pagod na kami sa kakahanap kaya naman umupo kami at nagpahinga sa damuhan.

"Saan naman kaya sila pumunta ?" Tanong ni Chelsey.

"Nako kailangan natin lakihan ang mga mata natin dahil nandito lang sila sa paligid".

Tama si Natasha need talaga naming lakihan ang mga mata namin para magawa ang plano. Hindi ako papayag na mabigo kami sa mga plano namin.

Napawi na ang pagod namin kaya tumayo na kami at inumpisahan ang paghahanap sa Spice Girls. Habang naglalakad papunta sa likod ng Academy nakita ni Natasha sila Syndra papasok sa hallway.

"Kresh ! Sila Syndra papasok na sa hallway"

Mabilis kong hinatak si Chelsey kasunod si Natasha, kailangan na naming magawa ang plano dahil malapit ng mag simula ang klase.

"Aray ! Dahan dahan naman Kresh masakit" Angal ni Natasha.

"Sorry... Pero kailangan na nating magawa ang plano bago magsimula ang klase"

Sa wakas papunta sila sa cr kaya naman napaka laki ng mga ngiti ko. Excited na ako sa magiging reaksyon ng tatlong impakta. Mabagal lang ang aming paglakad para hindi kami mahalata nila Syndra.

Nakita ko na pumasok sila sa cr kaya naman sinabihan ko si Natasha na mag bantay sa labas para senyasan kami kapag may papasok. Pumasok na kami ni Chelsey sa cr at kinuha ko ang ihi sa tabi ng basurahan.

Mukhang umaayon ang lahat sa plano namin, na aamoy ko na ang tagumpay sa aming plano.

"Isa... Dalawa... Tatlo !" Bulong ko.

Inihagis ko ang ihi sa cubicle kung na saan si Syndra at ganun din ang ginawa ni Chelsey kay Niles at Lerry. Narinig ko silang sumigaw kaya mabilis kaming lumabas ng cr.

"Oh my gosh ! Kadiri ang baho !" Sigaw ni Syndra.

"Yung uniform ko and my beautiful face !" Sigaw ni Niles.

"Ahhh ! Yuck so kadiri yung maganda kong balat". Mangiyak-ngiyak na sabi ni Lerry

Hindi namin mapigilang tumawa dahil sa wakas tagumpay ang plano. Sa sigaw pa lang ng Spice Girls alam kung nandiri sila at the same time galit na galit.

Sakto naman na tumunog ang bell kaya naglakad na kami papasok sa aming klase.

"Hahaha ! Grabe ang sakit ng tyan ko ! For sure galit na galit sila" Tawa ni Natasha.

"Malamang... Ikaw pa naman hagisan ng ihi ewan ko na lang kung hindi ka magalit" Ngisi ni Chelsey.

Hindi ako na kokonsensiya sa ginawa namin kung tutuusin nga kulang pa ang ginawa kong palano laban sa kanilang tatlo. Buti nga sa kanila.

Nasa tapat na kami ng room kaya pumasok na kami at umupo sa likuran. Sakto ang pag dating ng next subject teacher namin umayos na kami sa pagkakaupo at inilabas ang libro.

"THE REVENGE FOR TODAY IS COMPLETED" Sabi ko sa aking isip at nakinig na sa lesson...

...

Don't forget to vote and comment guysue

Salamat sa pagbabasa

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon