Chapter 2: Day 1 : Part 1

28 7 2
                                    

Chapter 2 : Day 1 : Part 1

Angelyn's Point of View

Nagising ako ng 7 am. Grabe napuyat ako dahil sa game na Granny. Na try ko na kasi ang easy and natapos ko na rin at nakatyamba sa normal pero yung hard ang hirap na maigi.

Agad akong bumangon at nag asikaso. Pagbaba ko sa salas nakita ko na nakaready na sila para sa biyahe mamaya. Grabe narito na rin si Krizza.

"Oh agap mo ahh", bati ko sa kanya.

"Kasi nag inform si kuya mo na ngayong umaga ang biyahe natin",

"Ahh ganun? Ahh sige iinform ko na rin ang iba", paglabas ko sa bahay nakita ko sa balkonahe namin si....

Oh m g narito na sila Jyssa, Jennielyn, Ellyn, Nessiel, luh si Reymar din, lagot narito rin si Rizel wag mong sabihing Oh no narito rin si Carl!!!

"Oh bebe narito ka na pala narito na ang mga kasamahan mo at surprise naman bebe narito pala yung katawagan mo sa messenger", sabi ni kuya habang papalapit saakin.

Napansin tuloy nila na gising na ako. Nakakainis wala pa akong kahilahilamos at ang swangit ko pa.

"Kuya....!!", sabi ko sabay takbo papasok sa loob.

Di ko kaya na madatnan ng crush ko na ganito. Agad akong naligo, nagtoothbrush at nag ayos ng sarili.

Pagbaba ko nakita ko na malalim ang pinaguusapan nila. Ang hina kasi at mukhang seryoso. Kinakausap ni kuya si Carl at base sa expression nilang lahat mukhang seryoso. Ano kaya ang pinaguusapan nila??

"Oy kuya mukhang seryoso kayo ahh", sabi ko sabay opo sa katabi nila.

"Ehem geh mukhang may gagawin pa ako kayo may gagawin ba kayo?", tanong ni kuya.

Then nag surunodan naman silang lahat at ang natira si Carl. Nagtaka tuloy ako kung ano ang nangyayari. Then naging awkward ang atmosphere. Lagot wala akong maisip na sasabihin pano na to!! Ano ang sasabihin ko sa kanya??

"Mmm s-sabi p-pala ni kuya mo na saakin ka nalang daw sumabay mamaya", pagpuputol niya ng katahimikan sa pagitan namin.

"Ahh hehe", naku namumula na yata ako!!!

Oh m g makakasama ko siya sa biyahe.... kinikilig ako.... ano ba to ... si kuya anong set up na naman to...

"Ahh sige aayosin ko lang ang kotse natin para di na tayo magkaaberya", pagpapaalam niya.

Pagkaalis niya nakahinga na ako ng maluwag.

"Ikaw hah mukhang namula ka talaga kanina", napatingin ako sa nagsalita and I saw Rizel kasama si Jyssa at silang lahat pala. Nabadtrip tuloy ako.

"Oy ano nanaman ba yang set up na yan kuya", sabi ko habang pasugod kay kuya.

"Wala naman kaming ginagawa ahh ... haha ikaw bibi hah mukhang medyo maayos ayos ang lalaking yun parang boto na ako dun di ba guys?", nakangising sabi ni kuya.

"Ehem oo nga", sabi nila.

"Uy tara na mukhang oras na para mag biyahe", sabi naman nung nakakabywesit kong pinsan na mortal enemy.

The House Of Granny (On Going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin