Chapter 08

20 0 0
                                    

Chapter 08

Tony

Pabalya kong ibinagsak ang pinto at dumiretso sa kusina para ilapag and mga binili ko. Kumuha muna ako ng tubig at uminom bago ako tumungo sa sala.

"Oh ate, ba't ngayon ka lang?" Salubong ni Anthony. Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa sahig at nagtatakang tinignan ako. "Okay ka lang, 'te?"

"Ikaw na muna magluto. Prito mo na lang." Tanging sagot ko.

Nilampasan ko na siya para dumiretso sa kwarto ko. Pagkapasok na pagkapasok ay agad akong dumapa sa kama.

Naiinis ako. Sobrang naiinis ako. I shouldn't have fallen into his prank. Sabi ko na nga ba, that guy has nothing but a trouble. Kung hindi niya ako ginipit hindi sana ako mapapahiya ng ganoon. He's really good at embarrassing me. Kahit ano na lang talaga ang magawa niya. Wala siyang patawad. Kung alam lang niya kung gaanong kahihiyan ang sinapit ko kanina, he would probably going to rejoice non-stop. Proud for his stupid prank. Palagi na lang akong pinagti-tripan. What the hell is his problem, really? Sawang-sawa na ako sa kanyang gago siya.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Sandara pero di naman siya nasagot. Nasa work siguro.

Tumihaya ako at tumingin sa kisama. Naalala ko yung mga sinabi sa'kin nung mga nasa save more. Wala silang sinabing offensive maliban na lang dun sa sinabi nung babae.

"Next time, Miss, make sure na may pambayad ka para hindi naaaksaya ang oras ng nga tao rito."

She was right actually and she was smiling the whole time at talagang nagpapasensya siya. Pero feeling ko kasi nabadtrip din siya. Sa dami ba naman ng pinunch niya tas ang isasagot ko wala akong pambayad. Kahit sino maiinis. If I am in her position, maiinis din ako.

At kasalanan lahat ng gagong iyon kung bakit nangyari to. Darating ang araw na makakabawi rin ako sa kanya. 

Sobrang tindi ng nararamdaman ko. I'm not a crybaby pero sa dami na ng kahihiyang dinanas ko dahil sa kanya, iiyak ako ngayon.

I let my self cry on my pillow hanggang sa makatulog ako.

____

Late na ako sa first subject ko, late rin kasi akong nagising. Madaling-madali rin ako to the point na di na ako nagsuklay.

Ang malas ko lang dahil masungit ang prof namin ngayon. Nasa pinto pa lang ako at hindi pa siya nababati masama na agad ang tingin niya.

"You're late, Miss Laurel."

Yumuko ako bilang paghingi ng paumanhin. "Sorry po."

Tinaasan niya lang ako ng kilay bago nagpatuloy sa pagsusulat. Hindi niya ako sinabihang pumasok na sa loob or kung ano pa man kaya nanatili akong nakatayo sa labas.

"Miss Laurel, kunin mo tong white folder sa desk ko at dalhin mo kay Professor Romero. Then after that you can take your seat." Walang lingon niyang sabi.

Sinunod ko na agad ang utos niya. Pumasok ako at kinuha yung folder. Papalabas na ako ng maisip na hindi ko alam kung saan ang klase ni Prof Romero.

"Ma'am, saan ko po pala makikita si Prof Romero?" Tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa'kin at sa relos niya.

"He should be at finance building. Ewan ko lang kung saan doon so please pakihanap na lang."

I froze. What the hell? Finance building? Wow sa dinamirami ng building dito doon pa talaga. Napabuntong-hininga ako at tumango na lang.

Ang malas ng araw ko ngayon. Nakasimangot akong naglakad papuntang finance building. Halos bakante na ang hallway dahil simula na ng klase ng ilan.

May apat na palapag ang finance building. Dito ang lahat ng course na connected sa pera tulad ng accountancy and businesses ad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hater's LoveWhere stories live. Discover now