Chapter 01

41 6 0
                                    

Chapter 01

Tony

Ang pogi talaga ni Philip kahit saang anggulo ko siya tignan, kahit pawis na pawis na siya at lukut-lukot ang damit niya. Ang buhok niya ay bahagya ng bumabagsak sa forehead niya pababa sa mga mata niya and I have this urge na hawiin yun. Pero siyempre hindi ko kayang gawin. Ang kapal ko naman kapag nagawa ko yun. Baka hindi ako makalabas ng buhay sa campus na 'to sa dami niyang admirers at isa na nga ako roon.

Sa bawat side ng court ay may kanya-kanyang grupo ng mga college students na nagtititili at isinisigaw ang pangalan ni Philip. Hindi lang babae kundi pati binabae. May laro ngayon ang Red Dragon, ang basketball team ng University namin, laban sa ibang school. Dahil champion din sila last year, dito sa school ginanap ang laro.

Karamihan sa mga estudyante ay naka-pula, which is the color of our team. Dilaw naman ang color ng kalaban nila. Sinusubaybayan ko na si Philip eversince na nagsimula siyang maglaro. Same kami ng ilang subjects dahil parehas kami ng kurso pero hindi kami blockmates. Irregular kasi siya. We're both taking up civil engineering at kasalukuyan kaming nasa 4th year college. Una ko siyang naging crush nang makatabi ko siya sa orientation. Siya ang unang-una kong nakausap noon and sobrang pogi niya talaga kaya naging crush ko siya. Pero hindi ko siya gusto unang kita ko sa kanya, naisip ko agad na pogi to kaya for sure babaero. Pero ng kausapin niya ako, nagbago 'yun. Sobrang gentle at warm ng boses niya and I know exactly na mabait siya. And I wasn't wrong.

Muntik na akong mapatayo at mapapalakpak ng mag-three points bigla si Philip. Nagsitayuan ang ibang manonood at naghiyawan. Lalo na ng kumaway si Philip sa mga estudyante. Takte, napakapit ako kay Sandara sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hinawakan ako ni Sandara sa balikat at niyugyog-yugyog. "Gagi ka, pati ako kinikilig kay Philip." Dama ko ang kilig sa boses niya kaya nilingon ko siya at sinimangutan. Nawala ang kilig niya at napa-peace sign. "Joke lang 'to naman, kung makatingin. Sa'yo ba, sa'yo?"

Ngumisi ako sa kanya, "Hindi pa." Puno ng kumpyansang sabi ko.

Bigla siyang napa-ohh at hinila-hila ang damit ko. "Gaga ka, ang landi mo." Tinawanan ko lang siya at hinila paupo.

Muli kaming napabalik sa panonood ng game. Hawak ng kabilang team ang bola pero biglang naagaw ni Tom, ka-team ng Red Dragon, at ipinasa kay Philip na mabilis niyang nasalo. Itinakbo ni Philip ang bola habang nagdi-dribble. Palakas naman ng palakas ang hiyawan ng mga tao but their cheering stop at napalitan ng ohhh dahil sa biglaang pagbagsak ni Philip sa court ng akma na siyang magshu-shoot. Napatayo ako kasabay ng ibang manonood.

Philip writhed on the floor while holding his knee. Mabilis na lumapit ang ka-team niya sa kanya maging ang coach nila. Lumapit din ang referee at itinuro ang isa sa kalaban nila na kasalukuyang nakataas ang kamay. People started to boo the opposite team at napatawan ng foul ang kabilang grupo.

Nag-aalala kong hinabol ng tingin si Philip. Inaalalayan siya ng mga ka-grupo niya and from the looks of it, mukhang hindi na siya makakalaro.

"Loko 'yun ah, sinadya niyang itulak si Philip habang nasa ere." Reklamo ni Sandara.

Nagkaroon ng kaunting commotion sa home team namin. Narinig kong sumisigaw si Coach ng number 7. Ewan ko kung anong nangyayari pero mukhang nabadtrip si coach dahil pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ng team niya.

Later on, natuloy ang laro at pumalit ang isang player kay Philip. Natapos ang 2nd quarter na lumamang ang kabilang team. Ngising ngisi ang mga loko, kumpyansa sigurong mananalo sila. Over 20 ang lamang nila at mukhang nanglulumo na ang team namin. Medyo bumabagal at wala na sila sa pokus.

Nagsimula ang third quarter at muli na namang may namalukto't sa team namin. Hindi ko maiwasang hindi mapatayo. I wanted to shout at them dahil nandaraya na sila. Pero si Sandara na ang sumigaw para sa'kin, ang tangi ko lang nagawa ay magkuyom ng kamao.

Hater's LoveWhere stories live. Discover now