Chapter 03

49 6 0
                                    

Chapter 03

Tony

Kasama kong naglalakad sa hallway si Sandara habang nag-uusap kami tungkol sa journ. Magka-partner kasi kami kaya pinagpaplanuhan namin kung anong gagawin naming dalawa.

Kanina lang kami sinabihan na mag-partner up para mas madali ang paggawa ng dyaryo. Since feature namin ang sports, doon na kami tinoka ng head.

"So bale ang ganap is ikaw na ang gagawa ng balita then I'll do the photo and the editing. Okay ba sa'yo yun?" I asked her, thumbs up.

Sinagot niya ako ng thumbs up din, "Okay na yun, sisiw na. Pwede bang kumain muna tayo? Gutom na gutom na ako eh. Kanina pa tayo nag-uusap tungkol diyan." Reklamo niya. Narinig naming nagreklamo rin ang tyan niya kaya mahina akong natawa.

Nawala lang ang saya sa mukha ko ng malayo pa lang kitang-kita ko na ang grupo ng Red Dragon. Hindi nila kasama si Philip dahil nagpapagaling pa raw ng pilay niya. Updated ako palagi pagtungkol sa kanya. Katulad ng palagi kong nakikita, nasa gitna na naman nila si Samuel na akala mong hari kung maglakad habang naka-akbay sa isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, Angel ang pangalan niya. Taga-Tourism building. Siya yung nanalong Miss Salazar Batangas University or Ms. BSU last year. Huwag na kayong magtaka kung bakit marami akong kilala rito, journ ako at lahat ng famous na estudyante ay kilala ko. Kahit nga hindi famous kilala ko.

Hinanda ko na ang sarili ko dahil for sure ay makakasulubong namin ang mga tukmol na yan. Mababait ang iba sa kanila, actually lahat naman sila. May pagkamapang-asar lang. Pero dahil kasi tropa nila yang Natividad na yan, pati sila damay sa inis ko.

Lahat sila naka-jersey uniform. Naalala kong ngayon ang championship game nila. Sayang 'di makakalaro si Philip. Si Andrew kasi kasama na nila ngayon na naka-jersey din. So I guess makakapaglaro na siya.

Nagdere-deretso lang kami ng lakad ni Sandara. As far as I want to take a different route para lang hindi kami magkabangga ng lokong to, ginawa ko na. Kaso wala namang ibang daan papunta sa pupuntahan namin kung hindi dito lang.

"Tang-ina, 'pre, nangangati ang kamay kong supalpalin ang mga hayop na 'yun." Rinig kong sabi ni Beue. Ang lakas kasi ng boses niya at wala masyadong tao sa hallway na'to kaya nag-e-echo pa. Mukhang naiinis siya.

Tinap naman siya ni Andrew sa balikat, "Mamaya mo ilabas yang inis mo, brad."

Nang magkakasalubong na kami, nagkahagipan kami ng mata ni Samuel. Mukhang naiinis din ang expression niya. Nilagpasan lang namin sila na parang wala lang.

Nakakapagtaka, ano kayang nakain ng mga yun at mukhang mga wala sa mood? Tsk. Ano bang pakialam ko?

Nagtuloy-tuloy na kaming maglakad ni Sandara hanggang makarating kami sa designated classroom namin. Wala ng klase, sa totoo lang uwian na kaya wala na masyadong tao rito. Magsisimula ang championship mamayang 6:00 pm at meron pa kaming 1 and a half hour para mag-prepare.

Since hindi naka-lock ang room, nakapasok pa kami ni Sandara.

"Sino nga ulit ang makakalaban nila mamaya?" Tanong ni Sandara habang inihaharap ang isang upuan sa'kin kung saan siya umupo.

"Green Knights ata yun." Sagot ko naman at kumuha rin ng isang upuan at umupo paharap sa kanya.

She grabbed a pen and a notebook inside her bag and started writing something. "Green Knights? Yun ba yung mga taga-Agustus del Marcello University?"

Tumango ako sa kanya. "Kalaban din nila last year yun if I wasn't mistaken."

Napa-nguso siya. "Last year's game pala ay wala ka no? Hindi mo ba nabalitaan yung gulo nila last year?" Tinuro niya ako using her pen.

Hater's LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz