Chapter 05

33 4 0
                                    

Chapter 05

Tony

Wala na daw pag-asa ang camera ko. Nahati kasi yung front niya. As in hati. Hindi naman ako anak mayaman para makabili ng bago. Dalawang taon ko rin tong pinag-ipunan.

Umalis na ako sa shop nila dala-dala ang camera ko. Buti na lang magagamit pa namin yung mga pics dahil hindi naman na-damaged yung memory.

It's been three days after ng gulo sa gymnasium. Sa tatlong araw na yun, nakakatatlong shop na rin ako at nagbabaka-sakaling makahanap ng pwedeng gagawa. Ang kaso talagang wala. Nawawalan na rin ako ng pag-asa.

Dahil Linggo ngayon, walang pasok. Since nasa mall na rin ako naggala na ako saglit. Mga 4:00 ng hapon na ako umuwi sa bahay.

And as usual wala na naman ang parents ko. Tanging ang kapatid ko lang at ang best friend niya ang naabutan kong tao sa bahay.

Anthony is my one and only brother. Mas matanda ako sa kanya ng 4 years. 22 na ako at 18 pa lang siya. Si Sunny naman ang best friend na lagi niyang kasama. Maganda pero kilos garapal at pormang lalaki. Magkasing edad sila at mula bata magkasama na. Mas madalas pa nga naming kasama yan kaysa sa parents namin.

"Ate Tony, nandiyan ka na  po  pala. Musta camera mo?" Bungad ni Sunny. Nagtatanong siya pero hindi siya sa'kin nakatingin kundi sa nilalaro niyang Xbox.

"Wala ng pag-asa to." Binagsak ko ang katawan ko sa sofa.

"Sayang naman yan ate. Pabayaran mo kaya sa nakasira."

Napapikit ako, "Asa pa ako dun."

Kahit siguro luhuran ko pa siya para lang bayaran ito hindi pa rin yun papatinag. Kilang-kilala ko na si Samuel. Kahit siya pa ang may mali, hindi yun magso-sorry. Pakitaan mo ng maganda, ikaw pa ang masama.

Pinabayaan ko na lang silang dalawa sa paglalaro. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Siguro dahil sa pagod at puyat dahil sa journ. Naramdaman ko na lang na may yumuyugyog sa balikat ko. Napamulat ako at nabungaran ang kapatid ko.

"Kain na muna tayo, ate. Dun ka na lang ulit sa taas matulog."

Lumakad na ang kapatid ko papuntang dining. Tumayo na ako at sumunod na rin pero nagmumog muna ako bago ako sumabay sa kanila sa pagkain.

"Wala pa ba sila Mama?" Tanong ko kay Anthony.

Umiling naman siya, "Wala pa. Baka gabing-gabi na naman ulit yun makauwi."

Tumango na lang ako, "Mmm." At nagpatuloy sa pagkain. Kasabay din namin si Sunny sa table. Lagi namang nakikikain yan dito dahil takot sa luto ng mommy niya.

Nang matapos kaming kumain, nagpresinta sila Sunny na sila na ang maghuhugas kaya hinayaan ko. Sa bahay, wala kaming katulong. May nagluluto lang samin at naglilinis kada weekend. Then kami na ang naghuhugas ng pinggan at naglilinis ng sariling kwarto.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Naglinis ako ng katawan bago kinuha ang laptop at chineck ang facebook ko. Hindi pa ako nagbubukas ng fb since three days ago dahil alam ko naman ang lalabas sa newsfeed ko. Puro yung nangyaring gulo sa pagitan ng team ng Red Dragon at Green Knights.

At tama nga ang hinala ko. Nagdagsaan ang pagmumukha nila Samuel sa newsfeed ko. Balitang-balita ang gulong nangyari. Meron mga videos and pictures na kuha. Ang daming mga comment at kahit mga hindi kasali sa away ay nakikipag-away. Nagbabatuhan ng mga mura ang magkabilang school. Napailing na lang ako. Ang daming mga tao ang nagpapalala ng gulo. Hindi naman alam ang dahilan pero nakikisawsaw.

Nag-scroll down ako at ng wala namang makitang matino, naisip kong mag-log out na lang. Kaso meron akong napansin.

Ang daming share ng video. Two days ago ang nakalagay. Clinick ko yun at tumambad sa'kin ang video ng isang lalaki na nagwawala. I recognized him, si Beue to. Sa buong team ng Red Dragon, si Beue ang pinakamasayahin at palabiro. Pero ibang Beue ang nasa video na ito. May lumapit sa kanya na isang babae. Napakunot noo ako. Pamilyar din ang mukha niya sa'kin. Hinintay ko ang susunod na mangyayari at natutop ko ang bibig ko ng sampalin ni Beue ang babaeng yumakap sa kanya.

Hater's LoveWhere stories live. Discover now