Sembreak

909 17 1
                                    

~ Piliin mo yung kahit di ka maintindihan e iintindihin ka pa rin.. Hindi yung di ka na nga maintindihan iiwanan ka pa. :-/

Baaaaaad! Tapos hahanap agad ng iba. Amputek!

_____________________________________________________________________________

*****Thursday, 10am.

Nagbabasa ako ngayon ng psychology book. Walang ngang exam pero mas napili kong ito ang pagkaabalahan.

After 10minutes..

*Tumunog ang cellphone dahil may nagtext*

“Good morning! ;)”

Unknown number. Kaya wala akong balak magreply. -___-

“Hoy Bry!”

Kilala nya ko, malamang. Sya una nagtext saken eh at wala akong ideya kung sino sya kaya naman nireplyan ko.

“Sino ka?”

Wala pang isang minuto may nagtext ulet.

“Aga aga ang sunget na. Tsk!”

Masunget na kung masunget, wala lang talaga ako sa mood makipaglokohan sa ngayon. Sa ibang araw na lang sya magtext at baka masaktuhan nyang nasa mood ako.

*Tutunog ulet ang cellphone*

“Hoy! Si Mitch to.”

Mitch Cristobal? Kaya pala kahet sa text parang lage nakasigaw. O____O

“May kailangan ka?”

Nabura ko na yung number nya dati kase hindi na din naman nagtext. Ngayon na lang.

Toktoktok..

“Anak, may tawag ka.”

“Sige po. Papunta na”

Kahet narinig kong tumunog ulet ang cellphone ko, mas inuna ko yung tawag. Pwede naman pagbalek eh.

*****@Harbor point, 4pm.

“Ano lang ginagawa mo sa inyo?”

“Nasa bahay lang.”

“Di ka nababagot?”

“Bat naman?”

[ Si Kyle at ang mga kaklase namen ang kasama ko ngayon dito sa mall. Sya yung tumawag kanina para ipaalam saken na may kita-kita daw. Sumama na ko dahil wala rin naman akong gagaweng importante. ]

"Ako nabagot, bahay lang eh.”

“Ayos lang. Nakakapahinga naman.”

“Puro pahinga. Hinahanap ng katawan ko mapuyat kakarebyu. Haha”

“Pwede ka pa rin naman mag-aral kahet bakasyon.”

“Sabagay. Anong pinagkakaabalahan mo sa tatlong araw na nakalipas?”

[ Kahet naman kaibigan ko tong si Kyle, pili lang ang dapat at gusto kong sabihin sa kanya. Lalo ngayon na bored ito eh baka maidaldal nya pa sa iba. ]

“Pareho lang sayo.”

“Ah talaga? Ayaw mo kase lumabas ng lungga mo.”

“-____-”

Nung lunes, nakasama kong maglaro ng badminton ang pinsan kong si Third. Samantalang nung martes ay sinamahan ko si Keena na bumisita sa Grandma nya. At kahapon naman si mommy ang kasama ko maghapon dahil tinulungan ko sya..

Bitterness is Next to Ugliness 2 (ON-HOLD)Where stories live. Discover now