High School Days

1.5K 30 4
                                    

~ Sa dinami-rami ng naging teacher mo, wala bang nagturo sayo na mahalin ako? ♥♥

LoveLoveLove.. Ayoko ng love. Chos!

Sa mga in-love jan, happy ako para sainyo.

At sa mga sawi kagaya ko, BITTER luck next time. :PP

___________________________________________________________________

3rd year high school

“Brian, bumangon ka na. Ready na breakfast..”

Zzzzzzz.. -_____________-

“Brian, anak, gising na.”

“Opo, tatayo na po.”

Good morning! Ako nga pala si Brian Oniel Gabriel Salvacion. At ung unang nagsalita, mommy ko yun. Hehe

Well, Monday nga pala ngayon at kelangan ko na talagang tumayo para pumasok. 6:03am? Not bad. Di pa naman ako male-late. Though 8 o’clock pa ang time namen, 7 pa lang nasa school na ko. :-)

“Ma, alis na po ako.”

“Teka, anong oras pa lang ba?”

“5 minutes before 7 po.”

“Ang aga pa ah.”

“Mas okay na po yung maaga. Hehe”

“Naku, ung ibang bata ngayon pa lang gigising dahil mas gustong matulog. Samantalang ikaw, papasok na. Sige, mag-iingat ka ha. Love you anak ko.”

Mas love ko sya, sana lang alam nya. Dati nasasabe ko yun ng direcho, ngayon nakakapanibago. Pakiramdam ko kase binata na ko.

Kahet naman sinasabe ng magulang ko na ang bilis ng panahon at ang dali ko raw tumangkad, di ko maramdaman na talagang tumatanda na ko. Unico hijo/solong anak. Yun nga siguro ang mahirap kapag mag-isa. Tutok sila masyado at nababantayan lahat ng kilos ko. Hindi naman sa nagrereklamo, minsan naiisip ko lang ung iba pang pwede na nangyare. =_____=

Baket nga ba alas syete pa lang pumapasok na ko? At pati nanay ko nagtataka na sa pagmamadali ko.

Ang totoo kasi, ayaw ko talagang ma-late. Ayos na kung maghihintay ako ng isang oras o lagpas pa basta panatag ako na mauunahan ko yung teacher namen. Kapag sila ang nauna, yare na nga ang grades tapos mahuhuli pa sa lesson.

Grade conscious. Aaminin ko ganun nga talaga ako. Mula elementary kase hanggang ngayon, di naman sa pagyayabang eh nasasabitan ako.. Ng medalya ah hindi ng kalokohan lang. Haha. Sino ba kaseng may gusto na bumagsak? Wala naman siguro. Tsaka para saken lahat naman tayo may natatago sa sarili na kaugaliang kagaya nun, hindi mo lang napapansin dahil tinatamad ka pa. XD

“Sabe na nga ba, pagdating ko nandito ka na eh.” [ Siya si Kyle. Dito na sa classroom. ]

“Syempre, pangalawa ka kaya lage saken.”

“Haha. Ano bang trip mo talaga at napakaaga mong pumasok?”

“Ikaw tatanungin kita, baket ka ba pumapasok ng maaga?”

“Gusto ko lang.”

“Edi ganon. Gusto ko lang din.”

“Lage na lang ganyan sagot mo o kundi yan eh sasabihin mo na ayaw mo lang mahuli sa klase.”

“Dahil yun ang totoo.”

2nd year pa lang magkaklase na kame. Star Section. Transferee sya at hindi dito nag-first year kaya last year lang talaga kame nagkakilala. Simula nung nagkausap kame at naging magkaibigan. ganto na lage eksena naming dalawa. Mauuna akong dumadating tapos susunod sya. Maaga din sya pumapasok dahil daw gusto nya lang. Ewan ko, baka grade conscious din sya. Haha joke. Di ko alam. Sabe naman ng iba, pareho daw kameng NERD na may makakapal na grado ng salamin, payat at jologs din kaya walang duda na nagkakasundo. Oo matalino pero hindi ideal para sa iba. :|

“Yun nga ba o may sinisilayan ka?”

“Ha? Labo mo.”

“Akala mo siguro hindi ko napapansin.”

“Na ano?”

“May iba kang motibo kaya ka pumapasok ng ganitong oras.”

“Eh kung alam mo pala bat mo pa tinatanong?”

“Gusto ko lang sayo manggaleng.”

“Na ano?”

“Sus, lagpas isang taon na tayong magkasama. Wala ka pa ring pinagbabago.”

“-_________________-“

1 year and a half at halos maging magkamuka na nga kame. Bukod sa mapagkamalan na magkamag-anak, eh kulang na lang pati pagiging mag-jowa akalain. Char ka ‘te! Lol XD Pero kahet taon na din ang nakalipas, di ko pa nagawang magsabe sa kanya ng pinaka-personal na impormasyon tungkol saken.

“Akala mo din siguro hindi ko alam na kapag MWF pumupunta ka ng dance room.”

“Ha? Ako pupunta dun? Para san?”

“Kung di ako nagkakamali, 7:15 ka sakto pumupunta.”

“Wala. Hindi ako yun.”

Sige na, tutal buking na din naman eh aamin na ko. Di ko lang masabe sa kanya at sa iba dahil ang pag-amin para saken ay di ginagawa ng matitinong lalaki. Totoo, may iba pa kong dahilan kung baket nagtitiis akong gumising ng maaga para pumasok. Yung mas malalim na rason. =..=

“Kagaya ngayon, Monday na Monday.”

“Eh ano naman?”

“Tara na pre!

“San?”

“Sa dance room.”

“O_________O”

Tinulak nya ko papunta dun. Hindi ako makapalag dahil parang ginusto na din ng katawan ko na magpatulak ng kusa papunta sa sinasabe nya.

Pagdating namen sa mismong lugar, may kaisa isahang tao kameng nadatnan. Isang babae na nakasuot ng maluwag na t-shirt, jogging pants na hapit at rubber shoes na pink. Magulong nakapusod ang mahaba nyang buhok habang pawis na pawis ang buong nyang mukha. Pero kahet na ganun ka-simple ang suot, hindi maikakaila na napakaganda nya.

“Hindi ka naman pala nahuli ng dating, nandito pa sya. Hehe.”

“Baket mo ba ko dinala dito?”

“Para palihim na panuorin sya habang sumasayaw.”

Nandito kame sa kalapet na room kung saan may two-way mirror na nakakonekta mula sa pinagpapraktisan nya. Ibig sabihin, nakikita namen sya pero di nya kame makikita.

“Umales na tayo. Baka mamaya mahuli pa nya tayo.”

“Ibig sabihin, hindi nya talaga alam na palage mo sya pinupuntahan dito?”

“Shhhhhh! Hinaan mo nga yang boses mo.”

“Okay sige. So, totoo nga?”

Simula nung nakita ko syang mag-perform nung 1st year pa lang ako, na crush-at-first-sight na ko sa kanya. Hala, pangatlong taon ko na pala tong ginagawa? Yung pasikretong manuod sa kanya, malayuang titigan at inaasam asam na makausap sya.

“Kung ganun naman pala, baket di mo i-try kausapin sya?”

“Ayos na ko sa pag-ganito ganito lang.”

“Ang alam ko mabaet sya kaya di imposibleng pansinin ka nya.”

“Hindi na siguro. Kontento na ko.”

“Kakausapin mo lang naman sya, anong masama?”

“Wala ngang masama pero hindi rin tama.”

“Sinasabihan mo ko na malabo pero sa mga sinasabe mo ngayon ikaw tong napakalabo.”

“Wag mo na ngang isipin yung tungkol dun. Di mo rin maiintindihan..”

Kaya nga hindi ko na rin sinusubukang magsabi dahil alam ko na walang makukuha ng punto ko. :|

Na dahil sa paglapet na gagawin ko, maraming mga mata ang pwedeng mang husga. Masyado syang mataas para abutin. Sino lang ba ako? Kumpara sa mga taong nakakasalamuha nya, walang wala akong binatbat.

</3

Bitterness is Next to Ugliness 2 (ON-HOLD)Where stories live. Discover now